UB STUDENTS NAGSAGAWA NG URBAN GARDENING SEMINAR

BAGUIO CITY

Matagumpay na nailungsad ng University of Baguio STELA Student Body at Political Science students and Urban Gardening at Composting Seminar sa Central Guisad noong Biyernes, Marso 3.
Sa temang “Seeds of Hope”, layunin ng aktibidad na bigyang-diin ang pagsasagawa ng urban gardening upang magkaroon ng sariwang gulay sa hapag kainan. Binigyang-diin ni Agriculturist II ng Bureau of Plant Industry na mahalagang paigtingan ang kaalaman ng lahat sa urban gardening dahil sa patuloy na pagiging highly urbanized ng lungsod kung saan walang malawak na pagtaniman.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga senior citizens at kabataan sa lungsod. Ayon kay Channel Palangdao, Governor ng UB STELA SB STELA at lead organizer ng programa, “ang kabataan marami pa siyang time sana na magdevelop ng skills, na matuto pa, and through seminars and discussions, mas mabibigyan natin sila ng chance na matuto sa iba’t ibang paraanng pagtatanim.” Bilang bahagi ng programa ay namigay ng mga binhi ang Baguio City Veterinary and
Agriculture Office (CVAO) upang magkaroon ang lahat ng oportunidad na magsimula ng kani-kanilang sariling Urban Garden.

Chasetine Glad Banig-UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon