Limang taon ng Batas Militar, limang simpleng dahilan?

Jul 16, 2017

Sa susunod na Lunes, Hulyo 24, 2017 ay muling haharap ang Pangulong Rodrigo R. Duterte sa bayan para sa kaniyang ikalawang “State of the Nation Address” (SONA) na taunang inaabangan ng mamamayang Pilipino lalo na ng mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong lider ng ekonomiya, iba’t ibang industriya, kumpanya, sektor at maging ng mga mapagmasid na banyaga.
Tiyak ding hindi mawawala ang mga kritiko at bumabatikos sa Pangulo at sa gobyerno na di gaya ng nakasanayang magarbong pagtitipon ay magiging simple na lamang ito, simpleng mga Pilipinong pagkain na lamang ang ihahain, maging ang kasuotan ay hiniling maging simple rin.
Subalit ang inaasahang pag-uulat sa kalagayan at estado ng bayan sa isang taong nakaraan ay maaaring pangalawang aantabayanan lamang dahil dito maaaring ideklara ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao at ang mga dahilan nito. Kailangang bago ang SONA ay mapasakamay na ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon sa pagpapalawig ng Batas Militar sa Marawi o sa buong Mindanao (minadali kaya ito?).Inirekomenda ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang “limang taon” na Martial Law sa Mindanao, bagaman maraming mambabatas ang sang-ayon sa pagpapalawig nito sa Marawi nang konti pang panahon ay hindi naman sila pabor sa limang taon (sa ngayon).
Bagaman walang direktang pagpabor si Duterte sa limang taon sa buong Mindanao ay nakikita na maaari siyang pumabor dahil sa kaniyang nakaraang walang alinlangang pahayag na magdeklara uli ng Martial Law kung hinihingi ng pagkakataon at kung siya’y hahamunin.
Pinaghahambing ang liderato ng mga nakaraang pangulo na matatalino subalit kulang sa puso, samantalang si pangulong Duterte ay puro puso raw at kulang sa talino. Sa kabila ng imahe ng pangulo na matapang, brusko, diretsa, palamura at mamamatay-tao ay nasasalamin ang kaniyang malambot na puso sa mga naaaping tao lalo na ang mga bata at kababaihan. At ngayon ay muling iiral ang puso dahil siya’y taga-Davao, isang Mindanaoan at naghihinagpis sa nangyayari sa kaniyang lugar na nais niyang tulungan noon pang limitado ang kaniyang kapangyarihan bilang mayor–ngayon na mas malakas at malawak na ang kaniyang kapangyarihan ay matutulungan na niya nang lubos.
Limang simpleng dahilan ng pagpapalawig ng Batas Militar. Una ay ibangon at ipakilala muli ang Mindanao bilang maharlika at lupang pinagpala at hindi baluwarte ng terorismo at bandido. Pangalawa ay linisin sa droga at rebelde ang bansa (dahil iniuugnay na sa droga ang mga rebelde, maging ilang politiko at opisyal). Pangatlo ay linisin at simplehan ang pamamalakad sa gobyerno. Pang-apat ay palakasin at bigyan ng magandang buhay ang kasundaluhan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at PNP, katunayan dito ang panimulang karagdagan sa sahod at ang mainit na pagtrato ng Pangulo sa kanila. Ang maaaring panlimang dahilan ay gawing sentro ng Pilipinas ang Davao, katunayan dito na ginawang pangalawang opisyal na tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas ang kaniyang tirahan sa Davao City.
Suntok sa buwan ba ang mga dahilan o napakasimple dahil karamihan ng pangunahing opisyal ng kaniyang gabinete at gobyerno ay kaibigan, dating militar at kaalyado na mga taga-Mindanao? Simple nga lamang ang solusyon—Batas Militar—ito ay kung lulusot. PMCJR.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest