LUNGSOD NG BAGUIO – Nagbukas ang Department of Transportation – Land Transportation Office (DOTr-LTO) sa lungsod ng isang driver’s license renewal center sa central business district noong nakaraang Lunes para sa kaginhawaan ng publiko.
“The DLRO (Driver’s License Renewal Office) was established to ease the queues in Pacdal, which is very inconvenient for those getting their licenses due to the heavy traffic,” ani DOTr-CAR officer-in-charge Robert Allan Santiago.
Sinabi niya na ang pagproseso ng driver’s license ay sabay na ginagawa sa renewal ng mga rehistrasyon ng sasakyan.
Ito ay sa limitadong parking space sa Pacdal, kung saan may ilang mga tourist spot sa lugar gaya ng Botanical Garden, Wright Park, Mansion House, at Mines View Park.
Makikitang ang lugar ay pinaparadahan din ng mga tourist vehicle at mga bus. Sinabi ni Santiago na ang pagtatatag ng bagong LTO center ay sumunod sa kautusan ng hepe ng LTO, Assistant Secretary Edgar Galvante upang bigyan kaginhawaan ang mga kliyente sa kanilang transaksiyon sa lahat ng mga field office.
“The directive of assistant secretary Galvante was to ease the application for licenses, make it accessible and easily reached by the clients. So we thought of establishing the DLRO,” aniya.
Ang DLRO ay nasa ikalawang palapag ng isang mall sa upper Session Road, pangunahing lansangan ng Baguio na malalakad lamang mula sa lahat ng lugar sa lungsod at may mga parking
space na malapit.
Sinabi ni Santiago na umaasa sila na palawigin ang serbisyo ng DLRO para sa mga bagong aplikante ng nonprofessional o professional driver’s license.
Ayon naman kay Porta Vaga Annex operations manager Jenny Bello, nagkaroon ang mall adiministrattion ng isang sistema na pahihintulutan ang opisina na magbukas ng mas maaga sa opening ng mall para mapagbigyan ang mga kliyente ng LTO.
Sinabi ni Santiago na sa ngayon, ay pagsisilbihan lamang ng DLRO ang mga mag-aaplay ng student permit at mag-rerenew ng kanilang driver’s license.
Subalit nilinaw niya na ang parehong serbisyo ay inaalok pa rin sa main office sa Pacdal. “It (Pacdal) is still open and caters to the same service. The DLRO was just established to ease the human and vehicular traffic in Pacdal, where all kinds of transactions with the LTO are accepted and done,” ani Santiago.
Maliban sa kaginhawaan sa aplikasyon sa paglapit ng opisina sa sentro ng lungsod ay nagkaroon ang opisina ng sistema kung saan ang mga kliyente ay maaaring matanggap ang kanilang lisensiya sa loob ng 30 minutos hanggang isang oras lamang.
Sinabi niya na hindi na nag-iisyu ang LTO ng temporary license na nakaprint sa papel, kundi sa PVC card.
Binigyan pansin ni Santiago na ang posibleng rason lamang sa pagkaantala ng pag-isyu ng mga lisensiya ay ang mahinang internet connectivity na kanilang naranasan na sa mga district office.
“If the Internet connection is not working well, the performance of our licensing offices is affected. (Internet connectivity) is a primary requirement to get a license because we need to upload the data and process the application,” aniya.
Sinabi ni Santiago na ang student permit ay mai-isyu pa rin sa papel at hindi sa isang card.
PNA/PMCJr./ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025