ITOGON, Benguet — Dalawang minero ang natagpuang patay sa loob ng mine tunnel na pinaniniwalaang biktima ng gas poisoning, ayon sa ulat ng Itogon Municipal Police Station.
Nakilala ang mga biktima na sina Flores Esnada Lampacan, 59, at Lharson Ambros Lampacan, 32, kapuwa nakatira sa Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet.
Sa imbestigasyon, pumasok ang dalawang biktima sa isang small mine area sa Goldriver, Barangay Loacan, noong Hunyo 2 para inspeksyunin ang isang old abandoned mine tailings.
Lumipas pa hanggang dalawang araw bago nakita ang mga labi ng biktima na nakahandusay sa water impounding box, nang pumasok din sa nasabing tunnel ang kapuwa nila minero na sina Nicanor Adais at Soriano Bastian upang magsasagawa din ng inspection.
Ayon sa pulisya, posibleng nasa water impounding area ang dalawang biktima para linisin ito, nang maganap ang gas poisoning.
Zaldy Comanda/ABN
June 9, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025