Magnanakaw, humiling makipagtalik sa biktima

LUNGSOD NG BAGUIO – Matapos pinagnakawan ng cellphone ang isang babae ay hiningi ng suspek ang pakikipagtalik sa biktima kapalit ng pagsasauli sa cellphone nito.
Sa ulat ng pulis, ang biktima na kinilala sa pangalang Margie at ang suspek na kinilalang si Rimando “Bhong” Ducusin ay nagkatabi sa sinakyang jeep mula sa Bengao, Bakakeng Central, Marcos Highway patungong city proper  noong Pebrero 5, 2017 bandang 9:30 ng umaga.
Ayon kay Margie, pagkalipas ng ilang sandali ay napunta na ang kanyang sling bag sa katabi niya at hindi niya namalayan na nakuha na pala ng suspek ang kanyang cellphone.
Ayon sa police report, makikipagkita sana si Margie sa kanyang anak sa Burnham Park at nang gagamitin na nito ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang anak ay nasorpresa siya na wala na ang kanyang cellphone sa loob ng bag.
Agad niyang tinawagan ang kanyang number. Sa una niyang pagtatangka ay hindi sumasagot sa kanyang mga tawag ang hinihinalang suspek. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay nag-text ang suspek at sinabing ibabalik lamang nito sa biktima ang kanyang cellphone kapag nakipagtalik ito sa suspek.
Pinaghahanap pa rin ng mga pulis ang suspek. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon