Magnitude 5.5 yumanig sa Pangasinan

AGUILAR, Pangasinan – Isang 5.5 intensity tectonic na lindol ang
yumanig sa Pangasinan at mga karatig na probinsiya bandang 6:25 ng gabi noong Pebrero 6.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay sa bayang ito at isang intensity 5 na lindol ang namonitor sa Villasis, Pangasinan; at intensity 3 sa
Dagupan City, Pangasinan at Olongapo City, Zambales.
Magnitude 2 ang naramdaman din sa Subic, Zambales; Malolos, Bulacan; Guagua, Pampanga; Gapan, Nueva Ecija; Baguio City;
Pasay City; Manila; at Quezon City.
Sinabi ni Argie Gattoc, training and information unit officer ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na ang Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Offices (MDRRMO) ng bayan ng Aguilar, at iba pang bayan at lungsod lalo na ang mga nasa baybaying lugar ay naka-standby alert para sa posibleng aftershocks o tsunami alert.
“We are waiting for further information from Phivolcs for possible tsunami alert. So, we at PDRRMO and the local government units are on standby,” ani Gattoc.
Dagdag pa niya na walang naiulat na nasira o nasaktan base sa initial assessment ng MDRRMO. “They are still further assessing if the earthquake incurred damages,” ani Gattoc.

Amianan Balita Ngayon