Mahigit P30M, ibinigay ng OWWA sa nabiktima ng bagyo

May 28, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas ang Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Cordillera ng kabuuang P30 milyon na financial assistance para sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Cordillera.
Ayon kay OWWA Cordillera Officer-in-Charge Evelyn Laranang, ang Cash Relief (CARE) assistance ng ahensiya ay ibinigay sa mga pamilya ng biktima sa Abra, Apayao at Kalinga, ang tatlong probinsiya sa rehiyon ng Cordillera na may pinakamalaking OWWA-member families na apektado ng bagyong Lawin noong Oktubre 2016.
“Were not discounting the other three provinces because we have members from there but we would like to focus first on the most number of families affected by typhoon Lawin,” ani Laranang. Ang CARE program ay inilunsad isang buwan matapos tumama ang Lawin sa bansa, dagdag pa niya.
Nagsimulang makatanggap ng listahan ng mga benepisyaryo ang OWWA noong Nobyembre 2016 at nagtapos ng Pebrero 2, 2017. Ang tulong pinansiyal ng OWWA sa mga aktibong miyembro ay nagsimulang ibigay noon pang Nobyembre 2016.
Sinabi pa ni Laranang na nakatanggap sila ng kabuuang 17,496 applications mula sa tatlong probinsiya ngunit 4,070 aplikante ang hindi naaprubahan dahil kulang sa requirements at non-renewal ng membership.
“We feel bad for the denied applicants but one of our requirements to qualify for any financial assistance or benefits from our office is to be an active OWWA member.” Ang ibang mga miyembro ay hindi na aktibo ang status bago pa tumama ang typhoon Lawin sa bansa.
Ang OWWA ay nakapamahagi ng P30,045,000 sa 13,426 applicants-OWWA members mula sa tatlong probinsiya hanggang May 19, 2017.
“We’re still in the process of distributing the financial assistance to approved applicants and we hope we can complete the distribution as fast as we could because they need the money to help them recover from their loss,” ani Laranang.
Aniya, ang kanilang grupo ay kasalukuyang nasa Kalinga at tatagal pa ng isang linggo upang masiguro na lahat ng benepisyaryo ay matanggap ang kanilang pera. Pagkatapos ay babalik sila sa Apayao para sa panibagong schedule ng CARE Lawin program.
Ipinaliwanag pa ni Laranang na ang distribusyon ay tumagal dahil ang ibang mga benepisyaryo ay hindi dumalo sa nakatakdang araw ng pamimigay dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Nais ng OWWA na matapos ang pamimigay ng mahigit P3,545,000 na financial aid para sa mga natitirang 3,565 aprubadong aplikante bago pa dumating ang panahon ng tag-ulan.
“We hope we can finish this before the rainy season because it’s difficult to travel and we’re also looking for the safety of our employees,” pagtatapos ni Laranang. Dionisio Dennis Jr./PNA / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest