Makati?

Makati? Naku, Kadungngo-dungngo! Maraming skin diseases na uso ngayong tag-init tulad na lamang ng buni, an-an, alipunga, bungang araw, tigyawat, at iba pa. Ang mga ito ay madalas nakukuha sa mga kontaminadong tubig na may halong kung ano-anong kemikal, polusyon sa hangin, alikabok at kagat ng insekto.

Kaya ang payo ni Dra. Cecilia Brillantes ng Baguio Health Department na mabuti sa katawan ang dalawang beses na maligo sa isang araw lalo pa sa tindi ng init na nagdudulot ng pagpapawis. Ngunit alam mo ba Kadungngo-dungngo, siyempre di’ mo alam kaya isusulat ko, ang aming natuklasan dahil maaaring madagdagan pa ang iyong kalamaan at magdulot ng aral ito sa iyo sampu ng pamilya mo.

Mayroong iba’t ibang klase ng sabon para sa iba’t ibang klase na balat. Pero bago natin isa-isahin ang mga importanteng sabon eh gusto ko munang magpasalamat kay Ms. Dang, ang may ari ng Alekzandra Skin Essentials. Ang benta nito ay mga sabon, lotion, sunblock, underarm roll on at iba pa na located sa Assumption, General Luna, at Km4 sa La Trinidad. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kilalang ginagamit ngayon. Pero hindi ibig sabihin nito ay safe na ito para gamitin mo, mas maganda pa rin na may gabay mula sa ekspertong doctor kung ang klase ng balat na meron ka ay sensitibo at balat na may acne na.

Ang sulfur soap daw ay mainam sa mga taong may problema sa balat dahil sa may content itong anti-bacteria.

Ang Kojic soap ay kilala naman para paputiin at pakinisin ang ating balat na tinubuan ng tigyawat.

Ang gluta soap naman ay gamit para ipantay ang uneven color ng balat sa buong katawan.

Ngunit alam niyo din naman siguro mga Kadungngo-dungngo na sa dinami-dami ng pangalan ng mga sabon ngayon, hindi ka din nakakasiguro kung ito ay ligtas na gamitin para sa katawan mo. Kaya pag ramdam mong nagka-rashes at di maipaliwanag na parang pagkasunog ng balat, alam mo naman na sigurong hindi ito ligtas gamitin para sa iyo dahil maaaring malakas ang asido ng iyong katawan na kontra sa content na meron ang sabon and vice versa.

Ang pagiging malinis sa katawan at ang pag-inom ng 10 baso ng tubig araw-araw ay hindi sapat kung ang paligid mo naman ay marumi. Kaya in fairness sa LGU, they will be challenging all the 128 barangays of Baguio City for the Search on Most Cleanest Barangay 2017 pero sana kahit walang ganitong patimpalak ay sa sarili at bakuran pa lang natin ay malinis na tayo, di’ ba Kadungngo-dungngo? Ang sabi nga ng isang kasabihan: Cleanliness is next to Godliness. At sa Bible (KJV) Psalms 24: 4-5 “He that hath clean hands, and a pure heart; who hath not lifted up his soul unto vanity, not sworn deceitfully. He shall receive the blessing from the God of his salvation.”

And then para magaan ang paglilinis i-try mong awitin ang “Beautiful in my Eyes” with partner dapat yan. Dahil lagi nga naming sinasabi “Ti panagtinnunos nga agtrabaho, mangiturong iti panagprogreso.”

Amianan Balita Ngayon