Sa kauna-unahang Provincial Product Accounts (PPA) na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nangibabaw ang Lungsod ng Baguio, lumabas na kumikita ang mga residente dito ng mas higit sa dalawang beses ng average national income na ipinakita rin ang magandang mga oportunidad para kumita na ibinibigay sa mga residente. Sa nasabing PSA report ay kinilala ang Baguio bilang isang lugar sa labas ng National Capital Region (NCR) na ipinagmamalaki ang average Gross Domestic Product (GDP) per person na PhP420,016 kung saan ang halagang ito ay nalampasan ng malaking agwat ang average na PhP178,751.
Dahil dito ay itinala ang Lungsod ng Baguio na siyang pinakamayang lungsod sa labas ng Metro Manila kung saan sakop lamang ng PPA report ang 16 pilot regions sa labas ng NCR kasama ang 82 probinsiya at 17 Urbanized Cities sa isang pag-aaral na isinagawa mula Nobyembre hanggang Disyembre 2023. Kabilang sa sampung pinakamayamang lungsod sa labas ng NCR kung tungkol sa GDP per capita ang Cagayan de Oro na may PhP343,936, Lapu Lapu City sa PhP313,039, Iloilo City sa PhP306,444, Bataan na may PhP297,930, Cebu City na PhP293,426, Laguna PhP287,280, Mandaue City na may PhP274,376, Davao City na may PhP258.811 at Batanes na may PhP251.955.
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay nagsisilbing panukat ng kabuuang produksyon ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa. Sa pamamagitan ng paghahati sa halagang ito sa bilang ng buong panahon na mga residente na tinatawag na per capita ay makikita ang yaman o antas ng kahirapan sa isang lugar. Sa madaling salita ay sinasalamin ng GDP ang pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya sa isang partikular na panahon. Kung mas malaki ang growth rate o ang laki ng itinaas ng GDP, mas lumalakas ang ekonomiya. Subalit kung negatibo ang growth rate ay humihina ang ekonomiya na maaaring humantong sa isang pagbagsak ng ekonomiya o ang pagliit ng siklo ng negosyo.
Gayunman, upang mas mahusay na sukatin ang yaman ng isang lungsod o probinsiya, mahalaga na ikonsidera ang inflation rates at mga halaga ng mga lokal na produkto at serbisyo sa nasabing lugar. Ang paglago ng ekonomiya ay nagtaas sa mga pamantayan ng pamumuhay sa buong mundo. Subalit, ang mga modernong ekonomiya ay nawalan ng paningin sa katotohanan na ang karaniwan at pamantayang sukatan ng paglago ng ekonomiya, gross domestic product, ay sumusukat lamang sa laki ng ekonomiya ng isang bansa at hindi sinasalamin ang kagalingan at kapakanan ng isang bansa. Pero malimit trinatrato ng mga gumagawa ng polisiya at ekonomista ang GDP, o GDP per capita sa ilang pagkakataon, bilang isang sumasaklaw-sa-lahat na sangay upang ipahiwatig ang pag-unlad ng isang bansa, pagsama-samahin ang pang-ekonomiyang kasaganaan at kapakanan ng lipunan.
Bilang isang rersulta, ang mga polisiya na nagreresulta sa paglago ng ekonomiya ay nakikita na kapaki-pakinabang sa lipunan. Ang pagtutuon lamang sa GDP at pang-ekonomiyang pakinabang upang sukatin ang pagunlad ay ipinagwawalang-bahala ang mga negatibong epekto ng paglago ng ekonomiya sa lipunan, gaya ng pagbabago ng klima at pagkakapantay-pantay ng kita. Panahon na upang kilalanin ang mga limitasyon ng GDP at palawakin ang ating sukatan ng pag-unlad at pananaw upang isaalang-alang ang kalidad ng buhay ng lipunan. Kailangang magkaroon ng isang mas makatuwiran at pantay-pantay na lipunan na umuunlad ang ekonomiya at nag-aalok sa mga mamamayan ng isang makahulugang kalidad ng buhay.
May pagbabago sa kung ano ang ating sinusukat at nakikita bilang isang barometro ng kaunlaran, paano natin binabalangkas ang mga polisiya ay hahabol din. Ang isang ekonomiya na may kapakanan sa puso nito, ang paglago ng ekonomiya ay magiging isa pang kasangkapan upang gabayan ito sa direksiyon na pipiliin ng lipunan. Sa ganitong ekonomiya, ang porsiyentong puntos ng GDP, na bihirang nauugnay sa mga buhay ng mga karaniwang mamamayan ay hindi na magiging sentro ng pansin. Ang tuon ay malilipat na tungo sa mas kanais-nais at aktuwal na mga pagbabatayan ng kapakanan.
March 23, 2024
September 29, 2024
September 20, 2024
September 13, 2024
August 31, 2024
August 24, 2024