MASIGLANG BRIGADA ESKWELA PARA SA MAG-AARAL NG LA UNION!

Pinangunahan ni La Union Governor Rafy Ortega -David ang Brigada Eskwela sa Catbangen Central School na kung saan ay nakipag-ugnayan siya sa mga guro at mga estudyante maging ang mga magulang ng mga estudyante bilang
pagtugon sa pangangailanga sa mga pampublikong paaralan . Ang Brigada Eskwela ay isang aktibidad ng mga
paaralan kaagapay ang mga magulang at iba pang sekta sa komyunidad upang isaayos ang paaralan upang ito ay maging malinis at maayos sa pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang paaralan. Sa Catbangen ay may 40 na upuan ang kanilang binarnisan at kinumpuni sa araw na iyon upang muling magamit ito ng mga estudyante.

Photo by Office of Gov. Rafy Ortega-David

Amianan Balita Ngayon