Matagal ng inaabangan ng madla, lalong-lalo na ang mga puliko kung ano ba talaga ang tatakbuhin ni Mayor Benjamin Magalong para sa 2022 Local at National Elections.
Sa una pa lang ay sinabi ni Magalong na “one term” lang sya sa pagka-Mayor, kaya marami ang nag-isip na tatakbo itong Senador, lalo na’t
maugong ang usap-usapan na kakandidato umano si Ping Lacson sa pagka-Presidente.
Balita kasi na noon pa ay malapit si Magalong kay Ping Lacson.
Pero, marami ang humihiling na dapat nitong ipagpatuloy ang pagka-Mayor, dahil sa maganda nitong programa at mga proyekto para sa siyudad ng Baguio, kahit na nasa panahon tayo ng pandemya.
Sa naganap na Ugnayan with the Mayor sa city hall, sinabi nito sa media na sa September 30 niya sasagutin kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin.
Ipinaliwanag nito sa panahon ng kinahaharap nating pandemya sa pagtaas ng kaso ng COVID dulot ng Delta variant ay nawala sa isip niya na malapit na pala ang panhon ng pulitika, kaya hindi siya makaderektang masagot agad kung ano ang plano niya sa pulitiko.
May ilang staff niya sa Mayor Office na kaibigan natin at nagtanong din ako kung ano ang plano ni Magalong, Mayor ba ulit o’Senator, pero kahit sila ay hindi nila alam at walang sinasabi si Mayor, kundi magtawag ng mga meeting para paghandaan at iresolba ang mga pangangailangan para sa COVID at ibalanse ang takbo ng ekonomiya para sa mga mamamayan ng lungsod.
Alam natin na ang pronouncement ni Magalong ang inaabangan ng ilang pulitiko, para kung sakaling tumakbo itong Senador, tiyak marami ang tatakong Mayor. Pero, nabanggit niya na wala ng bakanteng Senador sa line-up ni Ping Lacson. Ayan mag-isip na kayo.
D’ bale, malapit na, sa Huwebes (Sept.30) abangan na lang natin ang anunsiyo ni Mayor Magalong. Usap-usapan naman na tatakbo ulit sa pagka-Mayor si dating Mayor Mauricio Domogan. So, mali ang pananaw ni Pekto na mag-retire na ito sa pulitika.
Usapan din, kung ano daw ang tatakbuhin ni Domogan ay siyang tatakbuhin ni Nick Aliping. Well, alam na ng taungbayan kung bakit.
Si Edison Bilog naman ay sumisimple ng paikot-ikot sa mga barangay at nagpaparamdam umano sa muli niyang pagtakbo sa pulitika.
O ayan, alam nyo na kung sinu-sino na ang tatakbo sa pagka-Mayor, pero kahit malayo ang kampanyahan at botohan ay dapat maaga nating
pag-isipan na maging “Vote wisely” ika nga, ay gawin natin at isaisip at isapuso ang kapakanan ng siyudad ng Baguio at huwag hayaan na
mapasakamay ng pulitiko na pansariling interes lamang ang hangad.
September 27, 2021
September 27, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025