Menor de edad, arestado sa pagnanakaw at grave threat

Inaresto ang isang 15 anyos na lalaki ng mga pulis ng Station 5 ng city police noong Setyembre 6, 2017 sa loob ng Baguio City Justice Hall.
Ang menor de edad na residente ng Upper Market Subdivision, Baguio City, ay inaresto sa bisa warrants of arrest na inilabas ni Judge Mia Joy Oallares-Cawed ng RTC Branch 4, Baguio City para sa mga kasong robbery with violence at grave threats na may inirekomendang piyansa na P100,000 at P12,000.
Ang binatilyo ay dinala na sa Social Development Center sa lungsod.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon