Menor de edad, huli sa shoplifting

Huli ang isang menor de edad sa patagong pagnakaw mula sa 7/11 Convenience Store, M. Roxas-Trancoville, Baguio City bandang 11:30am ng July 11.
Sa reklamong inihain ni Romel Oller Omo, 37 anyos, franchisee ng 7/11 Convenience Store at residente ng Sarok Camp 7, Baguio City laban sa naarestong lalaking menor de edad na patagong nagnakaw ng 17 piraso ng deodorant mula sa gondola display na nagkakahalaga ng P1,918.
Ang kaso ay iniharap kay Pros. Maria Lourdes Soriano na nagsabing ilipat ang kustodiya ng menor de edad sa Social Development Center sa Balenben, Irisan, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon