MGA ANAK NA ESTUDYANTE NG MGA MAGSASAKANG NAAPEKTUHAN NI EGAY TATANGGAP NG P15K NA TULONG

LAOAG CITY, Ilocos Norte

Upang masiguro na ang mga anak na mag-aaral ng mga magsasaka ay makapanatili sap ag-aaral
matapos ang hagupit ng bagyong Egay, ang opisina ni Senator Imee Marcos ay magbibigay ng tulong pangedukasyon sa mga kuwalipikadong estudyante. Naitakda sa PHP15,000 bawat isang benepisaryo, ang Provincial Education Office (PEO) sa Ilocos Norte Centennial Arena sa Laoag City
ay nag-umpisa nang tumanggap ng application forms noong Miyerkoles.

“The program is open for incoming college students of farmers or fishermen who were devastated by Super Typhoon Egay,” ani Carolyn JuanAgcaoili, education research assistant ng PEO, sa isang
panayam. Matapos maanunsiyo ang special education assistance sa radio at sa iba’t-ibang social media platforms ng mga local government unit, daandaang mga estudyante ang humangos sa Centennial Area upang isumite ang kanilang mga aplikasyon.

Ang tulong pinansiyal ay bukas sa lahat ng mga lehitimong residente ng Ilocos Norte na nasa kolehiyo o incoming college students, at kailangang isang certified dependent ng isang magsasaka o mangingisda na naapektuhan ni Egay. Kasunod ng kaniyang pagbisita sa sinalanta ng bagyo na mga lugar ng probinsiya noong Hulyo 28, nangako ang senadora n ani isang estudyanteng Ilokano ay mahahadlangan sa pagpasok sa paarlan dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Egay.

“We are also assessing farm families’ tuition needs and I will be giving educational assistance in cash and in kind,” sabi niya sa isang pahayag. Hanggang Agosto 1, iniualat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management and Resiliency Council ang mahigit PHP10 billion na tinatayang kabuuang pinsala na may PHP579,081,757 pinsala sa agrikultura, karamihan ay palay, mais, high-value commercial crops gayundin ang fisheries, livestock, at poultry.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon