Mga biktima ng paputok sa Pangasinan bumaba ng 17%

Jan 11, 2019

MALASIQUI, Pangasinan – Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng 34 kaso ng biktima ng paputok mula Disyembre 21, 2018 hanggang Enero 1 ngayong taon na 17 porsyentong mas mababa kumpara sa nakaraang taon na 41 kaso.
Nakatanggap din ng ulat ang PHO na isang 29 taong gulang na lalaki ang naging biktima ng stray bullet sa Barangay Malimpuec, Basista. Kinilala ang biktima na si Jose Marie Baniqued na tinamaan ng ligaw na bala sa kaniyang kanang hita noong Disyembre 31 na tumangging magpa-ospital.
Sinabi ni Dr. Anna Teresa De Guzman, provincial health officer na ang pinakamataas na bilang ng nasugatan ay naitala noong Martes (Enero 1) mula nang umpisahan nilang magmonitor noong Disyembre 21, 2018.
“Twenty-six of the total number of incidents were active victims, meaning they were the ones who used or lit the firecrackers while eight cases were passive victims,” pahayag ni de Guzman.
Ang mga paputok na sanhi ng pagkakasugat ay ang mga kwitis (pito), boga (apat), bawang (apat), triangle (tatlo), mixed firecrackers (tatlo), pla-pla (dalawa), piccolo (dalawa), luces (dalawa), baby rocket (dalawa), 5-star (dalawa), whistle bomb, fountain at isang di pa alam na klase ng paputok.
“Most of victims are between 15 to 19 years old. The youngest victims are between one to four years old, while the oldest is 75-year old,” ani de Guzman.
Dagdag pa ni De Guzman na 24 sa kabuuang bilang ng mga biktima ay nagtamo ng sugat sa mga kamay; apat ang tinamaan sa mata; tatlo sa kanilang mukha; dalawa sa kanilang dibdib at isa sa tuhod/paa.
“All blasting and burns, but there were no amputations and no mortality,” ani de Guzman.
Sa kabila nito ay natutuwa pa rin ang PHO sa mababang bilang ng mga biktima.
“We are hoping that the number of firecracker victims will continue to decrease as the years pass by,” dagdag ni de Guzman.
Samantala ay sinabi ni Dr. Estachis Niel Espino, department head ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH)-Emergency Room noong Miyerkoles (Enero 2), na ang mababang kaso ay dahil sa epektibo at walang-humpay na kampanya ng DOH laban sa paggamit ng mga paputok.
“Another reason is that because firecrackers have now become expensive,” ani Espino.
Nananatiling nasa full alert status ang PHO.
PNA/ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest