Mga mag-aaral sa Baguio sumulat kay PRRD para isalba ang pine tree park

Humihingi ng tulong ang mga mag-aaral sa elementarya mula sa isang pribadong paaralan kay Pangulong Rodrigo R. Duterte para mapanatili ang pine tree park sa tabi ng Baguio Convention Center at hadlangan ito upang hindi maibenta.
Sinamahan sila ng kanilang mga guro at school head na ibinigay ang 67 liham mula sa mga estudyante ng Baguio Pines Family Learning Center (BPFLC) kay Mayor Mauricio Domogan hapon noong Lunes, Enero 28, na hiniling nilang maipadala sa Presidente.
“I am very determined to help preserve and protect the pine tree forest near convention center. Every time we have our urban walk, we always pass along that area and it gives us a breathing space,” sinabi ni Nikki Flores, 12, mag-aaral ng BPFLC.
Sinabi ni Nikki na ang pangangalaga ng kapaligiran lalo na ang pagligtas sa parke ay mahalaga sa pagbibigay ng sariwa at malinis na hangin at makakatulong sa tao gaya niya na naninirahan sa lungsod.
Gaya ng isang may asthma, ay sinabi ng Grade 6 na mag-aaral na ang mga tanim sa parke na naglalabas ng oxygen sa hangin at makakatulong sa tao.
“Its getting hotter every day, and I am having difficulty in breathing. Pine trees are giving me access to fresh air,” aniya.
Ayon sa kaniya na bilang mga bata, dapat ay tinatamasa nila ang kasiyahan ng kanilang kabataan na may sariwang hangin at malusog na kapaligiran.
“In my age, I have been exposed to over development leading to the exploitation of our natural resources, there is cutting of trees, buildings are everywhere,”aniya.
Sinabi ni Nikki na, “progress does not mean pollution and over-development. If that is how we see progress, it’s basically a destruction.”
Nakasaad sa isang sulat na: “Dear President, Please do not allow them to cut our trees here in Baguio. This is for our future. I love trees.”
Sinabi ni BPFLC administrator Nelly Bayla na nauna nang sinubukan ng mga mag-aaral na lumahok sa nasabing bagay nang sumulat sila kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para tumulong na iligtas ang pine trees sa parke noong 2009.
Ito ay sa kasagsagan ng diskusyon sa Government Service Insurance System (GSIS) ukol sa pagbebenta ng tree park sa isang korporasyon na ibig sabihin ay mapuputol ang mga punongkahoy.
“We bid our first campaign to save trees which made a big impact in the academe because we were able convince (former President) GMA to help protect the area by giving an order to preserve and protect our forest reserve there,” aniya.
Sinabi ni Bayla na mayroon silang 290 estudyante na sumulat ng liham ngunit nagdesisyon silang kumuha na lamang ng mga liham na kakatawan sa bawat antas mula Grade 1 hanggang 6.
“We want to save the trees in our city, pine trees are integrated in our school logo. Our advocacy will continue. With the help of our students we can make a change and save the environment,” ani Bayla.
Ang pine tree park ay pagmamay-ari ng GSIS na naging paksa ng isang negosasyon sa pagbebenta sa pamahalaang lungsod ng Baguio.
Nag-alok ang lungsod na bilhin ang nasabing lupa sa inisyal na alok na P300 milyon. Sumagot ang GSIS at ipinagbigay-alam sa lungsod na ang fair market value ng property ay nasa higit P434 milyon.
Nagdesisyon ang finance committee ng lungsod na tanggapin ang alok ng GSIS para sa pagbili ng property sa halagang P434 milyon. Subalit sa hindi malamang dahilan ay itinaas uli ng GSIS ang halaga sa P670 milyon.
Kasunod nito ay ipinagbigay-alam ng GSIS na hindi na nila ipagbibili ang nasabing property dahil naghahanap sila ng magiging partner sa pag-develop nito para daw malubos ang potensiyal na kumita.
Ilang sektor sa lungsod ang nagpahayag ng kanilang pag-alala na ang pine tree forest ay mawawala na dahil sa mga ulat na isang Manila-based na kompanya na nagmamay-ari ng ilang mall ay nagpahayag ng interes sa nasabing property.
Inulit-ulit ni Domogan sa isang panayam na payag ang lungsod na bilhin ang property para lamang mailigtas ang pine tree park, ang natitirang forest area sa central business district ng lungsod.
PMGeminiano, PNA/PMCJ/ABN

Amianan Balita Ngayon