Mga Maranaw, nagpatulong kay PDuterte sa Imam na pinaslang sa Baguio

Jan 9, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO  – Tinatayang 5,000 Maranaw sa Marawi City at Lanao del Sur ang nagkatipon sa Matampay, Marawi City noong Linggo (Disyembre 16) para humingi ng katarungan at pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapaslang ng isang mangangaral na Muslim sa lungsod noong Disyembre 6.
Ayon kay Agakhan Sharief, isang pinuno ng mga Moro sa Lanao del Sur, wala pang natanggap ang Muslim community na konkretong update sa suspek na pumatay kay Bedejim Abdullah, isang Imam na nakatalaga sa Philippine Military Academy.
“Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay. Sa tarpaulin malinaw ang mukha peru hindi pa natukoy ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Baguio City ang identity ng kriminal at posibleng hindi taga-Baguio City ang killer,” aniya.
“We are requesting President Rodrigo Roa Duterte for the immediate solution and give justice for the killing of Imam Abdullah, a Muslim preacher,” dagdag nito.
Sinunog din ng mga Maranaw ang isang tarpaulin na nagpapakita sa mukha ng suspek na nakuhanan ng closed-circuit television camera (CCTV).
Samantala, iniulat ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan noong Disyembre 18 na ang Muslim community sa lungsod ay nakaipon ng P1milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek para sa posibleng pagka-aresto nito.
“The muslim community has raised a bounty for the assailant of our Muslim preacher, Bejedim Abdullah, then the city police formed task group Bedejim who are doing their best to solve the case,” sabi ng mayor.
Si Bedejim ay pinagbabaril habang naglalakad patungo sa Kayang Business Center sa Kayang Street dakong ika-11 ng umaga ng Disyembre 6. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa ulo at tatlo sa katawan. Hindi na ito umabot nang buhay sa ospital.
Sinabi rin ng mayor na nagpatawag siya ng pulong sa mga pinuno ng Muslim community sa lungsod kasama ang National Commission on Muslim Filipinos-Northern Luzon sa pangunguna ni legal officer Yaser Guru na nagbigay ng kasiguruhan na hindi nila papayagang may sumira sa maayos at payapang ugnayan na naitatag nila sa iba pang naninirahan sa lungsod bunsod ng pangyayari.
Ang Muslim community sa lungsod ay nagsagawa rin ng prayer rally noong Disyembre 16 sa Melvin Jones Grandstand.
“None in the Muslim community can identify the gunman, whose face was already known. We are asking the public to share the post of the face of the suspect for more people to see and hopefully help identify the person,” ani Domogan.
Kamakailan ay inulat ng lokal na kapulisan na isang .40-caliber Glock na may serial number BEKX695 at dalawang magazines na may 32 live ammunition at isang dummy bullet ang natuklasan kasama ng biktima.
Si Bedejim ay isang mangangaral na tagapagtaguyod ng kaayusan at kapayapaan.
R.UMEL, P.GEMINIANO, PNA/ABN

RELATED POSTS

PCSO LOTTO RESULTS

MAY 20, 2019 Megalotto 6/45 - 45-26-04-37-34-06 Grandlotto 6/55- 31-07-35-03-30-18 Suertres Lotto 11AM -3-8-9 Suertres Lotto 4PM -6-7-5...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest