Mga Muslim sa Pangasinan, makikipagtulungan sa awtoridad

Jun 11, 2017

LUNGSOD NG DAGUPAN – Nangakong palalakasin ng 80 pinuno, kabilang ang mga Imam at Ustadz na konektado sa Pangasinan Muslim Association, ang kanilang hanay upang mapigilan ang anumang kaguluhan lalo na ang magmumula sa Mindanao at magtatago sa Pangasinan, sa kanilang pagsasama-sama sa tanggapan ng Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen noong Huwebes.
Sa kanilang dyalogo sa mga opisyal ng PNP sa pamumuno ni Provincial Director Senior Superintendent Ronald Oliver Lee ay nangako ang mga pinuno ng Muslim na agad iulat ang presensiya ng mga terorista mula Mindanao kahit pa mga kamag-anak nila ito.Ang mga dumalo sa dyalogo ay mula sa Muslim communities sa Pangasinan na nagpahayag ng kalungkutan sa mga nangyayari ngayon sa Minadanao, lalo na sa Marawi City kung saan patuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at grupo ng Maute.
Sa pagtitipon ay nanawagan si Datu Alan Maasir, presidente ng lokal na Muslim Association, sa kanilang mga miyembro na huwag mag-imbita ng mga kamag-anak sa Mindanao partikular ang mga sangkot sa krimen lalo na sa terorismo.
Ito ay upang masigurong huwag umabot sa Pangasinan o sa anumang lugar sa Luzon ang kaguluhan sa Mindanao, ani Maasir.
Samantala ay sinabi ni Lee na ang dyalogo ay dahil sa pagsisikap ng mga Muslim mismo na naghahangad ng kapayapaan hindi lamang sa kanilang komunidad kundi maging sa Mindanao kung saan sila galing.
Habang umaapila sa mga terorista na huwag pumunta sa Pangasinan ay nangako ang Muslim leaders na magtutulungan at mag-oorganisa sila upang sinumang bagong mukha sa kanilang komunidad ay agad iuulat sa kapulisan.
Gayundin ay inilahad ni Lee ang isang plano na mag-organisa ng mga Muslim sa Pangasinan na magiging responsible sa pangangalaga ng kanilang sariling komunidad at sa koordinasyon ng mga opisyal ng barangay at pulis. ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest