Mga residente ng Itogon, inalok ng pangkabuhayan

Nov 3, 2018

ITOGON, BENGUET – Nag-aalok ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ng mapagkukunan ng pangkabuhayan sa mga residente ng Itogon na sanhi ng malaking landslide na kumitil sa buhay ng daang tao dito, karamihan ay mga small-scale miners.
Tulad ng National Food Authority (NFA) sa Benguet, na nanghihikayat sa mga residente, lalo na sa mga malalayong lugar ng bayang ito, na magbenta ng NFA rice, nang sa gayon ang mas mababang presyo ng government rice ay magiging accessible sa komunidad.
“They can open a ‘bigasang bayan’, or a community rice trading center, especially those who are in far-flung villages, so that they can sell the NFA rice,” ani NFA-Benguet Provincial Manager Cecilia Concubierta.
Hinimok ni Concubierta ang mga residente na magsumite ng kanilang proposal para sa pagbubukas ng bigasang bayan para sa assessment sa ginanap na Itogon Economic Forum na binuo ng Economic Sectoral Committee ng Cordillera Regional Development Council noong Oktubre 24.
Ang NFA ay kabilang sa mga ahensiyang pumunta para mag-alok ng long-term livelihood na makakatulong sa mga residente ng Itogon sa ginanap na economic forum, kung saan libong mga residente ang dumating upang mag-avail ng nasabing alok.
Nang araw na iyon, nabenta ang 100 sako ng NFA rice sa P27 bawat kilo. Bawat pamilya ay maaaring bumili ng hanggang limang kilo bawat isa.
Nag-alok din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng kanilang libreng skills training sa mga interesadong residente.
Ayon kay TESDA-Benguet provincial director Davic Bungallon na halos P2.5 milyon ang inilaan para sa skills training ng mga residente ng Itogon.
Aniya, nag-umpisa ang TESDA ng kanilang one-month training para sa shielded metal arc welding, electrical installation at maintenance, carpentry, at masonry sa Itogon Training Center sa Barangay Tuding. Ang ikalawang pangkat ay mag-uumpisa sa Nobyembre 26 na mayroong 25 participants bawat kurso.
Dagdag niya na ang customer service skills training na ipinatutupad ng Forest House Assessment and Training Center ay nagsimula sa Oktubre 10 na mayroong 60 participants.
Ani Bugallon, ang TESDA ay magsasangguni ng mga trainees sa mga partners at mga kumpanya para sa trabaho sa oras na makuha nila ang kanilang national certification na kaya nilang gawin ang mga trabahong nais nila.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) office sa Cordillera Administrative Region ay nagdaos din ng job fair sa ginanap na economic forum.
Ang forum information officer na si Patrick Rillorta ay nag-alok sa mga residente ng 3,970 job vacancies, kung saan 2,280 ay para sa overseas employment at 1,690 sa local employment.
May 12 na kompanya at tatlong manpower agencies ang nag-alok ng mga job vacancies; 54 ang hired-on-the-spot, kung saan 26 ang para sa local employment at 28 para sa overseas jobs.
Nagdala rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Diskwento Caravan, kung saan ibinebenta ang mga basic goods ng mga local partner, Tiongsan Supermarket, at may lima hanggang 10 porsiyentong discount.
Nagtayo rin ang Department of Agriculture ng TienDA store at nagbigay ng selling areas para sa iba’t ibang ani.
Sinabi ni DTI-Cordillera regional director Myrna Pablo na ang pagdiriwang ay kasama sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga ahensiya ng gobyerno na magtipon at pagsamahin ang kanilang kakayanan upang tulungan ang mga survivors ng Itogon.
“This is a result of the call from the President through Presidential Adviser (Francis) Tolentino for agencies with economic activities to be together and extend assistance,” ani Pablo. “We are getting a complete profile of the residents, which will be the basis for a long-term assistance program,” dagdag niya.
Naroon din sa nasabing pagtitipon ang Philippine Overseas Employment Agency, Mines and Geosciences Bureau, Social Security System, Employment Compensation Commission, Occupational Safety and Health Center, at ang Philippine Information Agency. L.AGOOT, PNA / ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest