Mga residente ng Tuba, tutol sa waste transfer station ng Baguio

Feb 5, 2018

TUBA, BENGUET – Kontra ang mga residente ng Tuba sa bagong takbong Baguio garbage transfer station sa kalapit na Barangay Dontogan sa Marcos Highway, na nagsasabing ang pasilidad ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan sa mga residente, lalo na sa mga bata.
Nag-umpisang gamitin ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang waste transfer station noong unang linggo ng Enero.
Sa municipal resolution ng Sangguniang Bayan ng Tuba ay sinuportahan ng mga opisyal ang petisyon ng Upper Poblacion at iba pang mga residente kontra sa paggamit ng lungsod ng waste transfer station sa isang bahagi ng Dairy Farm sa Barangay Dontogan, Baguio City.
Nakita ng local legislative body ng Tuba, sa pangunguna ni Vice Mayor Clarita Sal-ongan, na “the petition have valid reasons.”
Inendorso din ng Tuba SB ang petisyon sa office of the Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Cordillera para sa nauukol na hakbang.
Base sa petisyon ng Barangay Upper Poblacion, ang mga residente ng nasabing lugar ay nagsasabing “they are affected by the new staging/transfer station areas of garbage collected from Baguio City.”
Ang mga petitioner ay nagsasabing walang public consultation na isinagawa ang pamahalaang lungsod sa mga residente ng Poblacion, Tuba sa pagtatayo ng garbage staging at transfer station area.
Sa petition paper, ang mga residente ng barangay ay nagsasabing ang staging at pagtatapon sa lugar ay malapit sa kanilang mga tirahan, negosyo, at elementary at secondary schools, kung kaya magdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng mga residente, lalo na sa mga mag-aaral.
Inihahayag nila na ang mga naiipong basura ay lubhang makakaapekto sa kapaligiran, lalo na ang natural springs sa lugar na siyang pinagkukunan ng potable drinking water ng mga residente.
Sa isang panayam sa telepono ay sinabi ni Baguio City information officer Dexter See na ang lugar ay pag-aari ng Department of Agriculture (DA) na nagbigay ng pahintulot na magamit ng lungsod.
Aniya, ininderso ng DA-Cordillera ang clearance permit upang magamit ang lugar kay DA Secretary Emmanuel Piñol at hinihintay na lamang ang lagda nito. Ang lugar ay kasalukuyang ginagamit ng lungsod sa tulong ng city contracted hauler na siyang nagdadala ng basura sa engineered sanity landfill sa Urdaneta, Pangasina. P. AGATEP, PNA / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest