Mga tagumpay ng PROCOR, iniulat sa unang taon ni Sarona

Jul 23, 2017

CAMP BADO, DANGWA, LA TRINIDAD, BENGUET – Hindi binigo ni PRO-COR Regional Director PCSupt. Elmo Francis Oco Sarona ang kampanya at adbokasiya ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na “war against illegal drugs” noong una nitong naitalaga bilang director ng Police Regional Office- Cordillera taong 2016 ng July.

Sa tulong ng kanyang mga hinirang na directorial staff ay tinipon ito upang magsagawa ng Command Visit sa mga lalawigan ng buong Cordillera ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga Mt. Province at maging ang lungsod ng Baguio na kung saan dito pinairal ang mahigpit na pagpapatupad ng Oplan Tokhang at Double Barrel.

Hindi naging hadlang kay Sarona at sa kanyang directorial staff nang sinuyod nito ang bawat sulok ng probinsiya at ipinautos sa bawat Provincial Police Office ang mga tagubilin ng pangulo para sa boluntaryong pagpapasuko ng mga drug user at drug pushers.

Sa isinagawang Double Barrel (Alpha at Reloaded) ay may 20,617 na personal na nagpakita at sumuko, nag-conduct ng 400 operations, may naarestong 537 samantala sa kasamaang palad ay may 13 na police ang nasawi sa operasyon.

Sa naitala naman ng Barangay Drug Clearing Operations ay may 86 total remaining targets pa ang minomonitor ngayon.

Maging ang kabundukan ay ginalugad rin upang sugpuin at sirain ang mga marijuana plantation na nagkaroon ng positibong hakbang nang mahuli ang mga marijuana farmers.

Dahil dito ay nabulabog na rin ang ilang mga gumagawa ng katiwalian at mga krimen na kung saan ayon sa talaan ng datos na kumpara sa Crime Situation ng taong July 2015-2016 ay mataas ang crime volume nito sa pitong bayan ng Cordillera na ikukumpara sa taong July 2016-June 2017 na pinamunuan ni Sarona ay halos bumaba ang crime volume sa lahat ng probinsiya ng Cordillera.

At sa mga resulta ng mga operations ay nang makahuli ng shabu na may 276.8486 grams na ang Dangerous Drugs Board (DDB) Value nito ay umabot sa P1,661,092.60, ang natagpuang pagkakatago ng 14 jugs na naglalaman ng Chloroform o Ether na 317,914 mL katumbas ng 600 kgs ng shabu at tinatayang nasa P1,907,480,000, Marijuana Plants (seedlings, stalks, marijuana bricks at hashish) na umabot sa P5,831,026,900, nakakumpiska rin ng firearms na 21, isang hand grenade at 96 ammunitions na may kasamang cash na P77,013 na may kabuuang DDB Value na P7,740,167,992.60.

Napasuko rin dito ang 400 prominent personalities at nagpasagawa ng internal cleansing, isinailalim sa drug test ang may 5,103 sa PNP at sa non-uniformed personnel ay 432.

Sinabi ni Sarona, “Malaki ang pasasalamat ko sa pakikipagkaisa ng aking mga kasama mula sa mga opisyal, personnel at directorial staff na kasama ko sila sa tagumpay ng aming misyon ang mga accomplishment na ito ay ikinararangal ko na ibahagi sa lahat ng komunidad sa buong probinsiya ng Cordillera.

“Magpapatuloy tayong magtulong-tulong para sa kapayapaan ng ating bayan, tayong mga nasa posisyon bilang kapulisan ay mananatili tayong nakahandang maglingkod sa ating mamamayan,” ani Sarona. ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest