Mga turista pinag-iingat sa manlolokong tindero sa La Union

ROSARIO, LA UNION – Inabisuhan ng pamahalaang panlalawigan ng La Union ang mga turista na maging mapagmasid sa pagbili ng mga produkto mula sa mga ambulant vendors sa kahabaan ng national highways sa probinsiya matapos ang naiulat na diumano’y di tamang timbang ng mga paninda.
Isinawalat ni Joanna Guerrero, provincial information officer-designate, na nakatanggap sila ng maraming reklamo sa pamamagitan ng email at personal na nag-ulat na mga turista na bumili ng mga produkto, lalo na ang seafood, mula sa mga street vendors sa kahabaan ng iba’t ibang national highways sa probinsiya, na pawang kulang sa timbang.
Ayon naman kay Grace Viray, municipal treasurer ng Rosario La Union, na nakatanggap din sila ng maraming reklamo noon tungkol sa mga ambulant vendors.
“They carry large prawns that would really entice customers to buy. But when the buyer got home and checked the actual weight of the products bought, it lacked a certain kilogram. Some would even go back but the seller is already gone (sic),” aniya.
Nagsagawa sila ng operasyon noon kasama ang mga pulis, upang tugunan ang problema subalit lumipat na ang mga tindero sa iba’t ibang bayan.
“We do spot check every now and then. It seems though that these sellers know when we are coming to inspect and just hide somewhere. Possibly, they are not from here. Those we caught in the act, we just warn them to stop what they are doing, we do not confiscate nor arrest for humanitarian reasons. They disappear for some time but now they may be back again,” ani Viray.
Mayroon ding mga tindero sa kahabaan ng highway sa bayan ng Sto. Tomas, Aringay at Sudipen ng probinsiyang ito, aniya.
Pinayuhan ni Viray ang mga turista na huwag bumili sa mga ambulant vendors, sa halip ay dumiretso sa pamilihang bayan, kung saan regular ang kanilang pagmomonitor sa mga timbangan ng mga tindero.
“Or if unavoidable, they should carry their own portable weighing scale in order to avoid such instances,” dagdag niya.
Samantala, agad nagsagawa ang La Union provincial government ng inspeksyon upang beripikahin ang mga ulat at nangakong tutugunan ang naturang reklamo, ani provincial administrator Jennifer Joan Ortega-Manguiat.
“We apologized to the victims and rest assured we are investigating this and we will catch the people behind this unlikely practice,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Manguiat na magsasagawa sila ng information dissemination sa pamamagitan ng social media at sa mga istasyon ng radyo at telebisyon. H. AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon