Minero patay sa gas poisoning

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang pocket miner, na walang abiso na pumasok sa loob ng tunnel, ang natagpuang patay dulot ng gas poisoning noong Martes (Oktubre 17) sa Sitio Luneta, Barangay Loacan, Itogon, Benguet.
Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang biktimang si Rene Bontiyek Degma, 27, tubong Besao Proper, Besao, Mt. Province at kasalukuyang nakatira sa Camp 7, Baguio City.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 6 ng umaga ni Robert Venus Bobiles nang pumasok ito sa loob ng mine tunnel para paganahin ang blower dito.
Napag-alaman na ang biktima ay pinaniniwalaang intruder, kaya walang nakaalam sa kanyang pagpasok at kung ano ang nangyari sa kanya sa loob. Hinihinalang nalaglag din ang biktima sa may 5 metrong sinking hole matapos malanghap nito ang natural gas.
Sa tulong ng mga Barangay Tanod at Barangay Loacan Responders ay naialis ang bangkay ng biktima mula sa loob tunnel at dinala sa Benguet General Hospital para sa autopsy. ZALDY COMANDA

Amianan Balita Ngayon