Naagnas na bangkay ng isang babae natagpuan sa Kennon Road

TUBA, BENGUET— Inaalam ng kapulisan ng Tuba Benguet ang pagkakakilanlan ng naagnas na bangkay ng isang babae na natagpuan sa Sitio Tokang, Barangay Camp 3, ng munisipalidad na ito.
Ayon sa salyasay ng mga imbestigador ng Tuba Police may dalawang kalalakihan umano ang nangangahoy dakong 10:00 ng umaga noong Miyerkulues (Hunyo 8, 2022) sa nasabing lugar ng may maamoy sila na masangsang na amoy na di kalaunan ay nakita nila na isang bangkay ng babae.
Agad na ipinaalam ng dalawang witness ang nasabing insidente na agad naming tumalima ang mga pulis. Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan ng Tuba maaaring pinatay diumano ang babae bago ito itinapon sa kahabaan ng
Kennon Road mga ilang araw na ang nakakalipas kung kayat naagnas na ang bangkay ng babae.
Ang biktima ay nakasuot ng blue denim jacket, white tshirt and white jogging pants. Samantala nanawaga naman ang Tuba Police na kung sino man ang may kamag –anak sa nasabing biktima ay magtungo sa Tuba Police Station upang makilala ang nasabing bangkay.
Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon