Malasiqui, Pangasinan – Isang negosyante ang patay matapos itong barilin ng gunman sa harap ng kaniyang tindahan sa Poblacion, Malasiqui alas sais ng umaga ng Miyerkules.
Ang biktima na si Edmund Mendoza, 65 anyos, ay nagwawalis sa harap ng kaniyang tindahan nang bigla itong barilin ng isang gunman, ayon sa pulis.
Dead on the spot si Mendoza nang magtamo ito ng dalawang gunshot wound sa kaniyang ulo at isa sa braso.
Ayon pa sa pulisya, pagkatapos mabaril ang biktima, kaswal na naglakad ang gunman sa isang gasolinahan kung saan isang motorsiklo na minamaneho ng kaniyang kasama ang naghihintay.
Ayon kay Supt. Roland Sacyat, chief of police ng Malasiqui, ang motibo ng pagpatay ay hindi pa matukoy ngunit hindi inaalis ang posibilidad na ang dahilan ay tungkol sa negosyo. LVM/PNA
June 4, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025