OFW ninakawan ng kainuman

Isang OFW ang pinagnakawan ng kainuman sa loob ng isang bar sa Otek St., Baguio City bandang 11:30 ng gabi noong Enero 3, 2019. Kinilala ang biktima na si Herminio Dayanan Floresca, 51, may-asawa, Overseas Filipino Worker (OFW) at residente ng UP Village, Irisan, Baguio City samantalang kinilala naman ang suspek na si Rodolfo Caballeros Matias Jr., 39, may-asawa, isang porter at residente ng UP Village, Irisan, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon ng police ay pumunta ang biktima at suspek sa nasabing bar at nag-inuman at matapos ang ilang oras ay nalasing ang biktima at bigla nitong inilabas ang pera nito na nagkakahalaga ng P17,000 at inilapag sa ibabaw ng upuan kung saan siya ay naupo at nakatulog. Sinamantala ng suspek ang pagkakataon at kinuha ang pera ng biktima at inilagay sa bulsa ng kaniyang jacket. Mabuti na lamang at nakita ng isang waitress ang pangyayari at kinompronta ang suspek subalit sinabi nitong ibinilin daw ng biktima ang pera niya sa kaniya at lumabas ito ng bar. Nang magising ang biktima ay napansin niyang nawawala ang pera niya at sinabi ng waitress na kinuha nga ng suspek ito at agad hinabol niya ang suspek na nagresulta sa pagkakahuli nito at dinala sa Police Station 7 para sa imbestigasyon. Ang kaso ay inihahanda na para sa inquest proceedings.

Amianan Balita Ngayon