P17.6M MARIJUANA PLANT SINUNOG, 14 NA DRUG PERSONALITIES NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet — Nadiskubre ang pitong plantasyon ng marijuana sa Benguet, Kalinga, at Ifugao, habang 14 na drug personalities ang naaresto sa isang linggong antiillegal dug operations na
isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera noong Nobyembre 20-26. Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar,regional director, ang mga operatiba ng Benguet Provincial Police Office, Ifugao PPO at Kalinga PPO ay nakadiskubre ng 88,170 piraso ng fully-grown marijuana plants (FGMJP) at 1,200 marijuana
seedlings na may Standard Drug Price (SDP) na P17 ,682,000.00.

Binunot at sinunog ng mga operatiba ang lahat ng natuklasang halaman ng marijuana habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng nasabing mga plantasyon ng marijuana. Iniulat din ni Bazar na 14 na drug personalities ang naaresto sa isang linggong anti- illegal drugs operation sa rehiyon. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD), Baguio City Police Office (CPO) ay naaresto na ang siyam na drug personality habang apat na drug personality ang
naaresto ng Kalinga PPO at isang drug personality ang naaresto ni Abra PPO.

Sa Baguio City, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Edwin Jacinto, 25; Timothy Kyle Yan, 21; Gilbert Allan Legaspi, 32; Jessica Mendoza, 24; Jervin Domingo, 36; Joshua Liclican, 23; Christian Valdez, 25; Jerejhill Calderon, 33; at Lemuel Santos, 23. Dagdag pa, sina Jonathan Talaue, 31; Shad Dimara, 36; Fernandez Samuel Jr., 37; at Hearlee Balicao, 40, arestado sa Kalinga habang Arjay Millare, 32, arestado sa Abra. Ang isang linggong antiillegal drugs operation ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 64.29 gramo ng shabu at 4.01 gramo ng dahon ng marijuana at mga namumunga na may kabuuang SDP na P437,653.00 Nahaharap ngayon ang lahat ng naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon