CAMP DANGWA, Benguet – Sinalakay ng magkakasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Police Regional Office-Cordillera, ang magkahiwalay na plantasyon ng marijuana sa lalawigan ng Benguet at Mt. Province.
Nabatid kay Chief Supt. Rolando Nana, regional director, gabi ng Enero 18, nang salakayin ng mga police operatives ang may 12,800 fully grown marijuana plants, na nagkakahalaga ng P2,500,000 sa bulubundukin ng Kibungan, Benguet.
Ayon kay Nana, ang mga marijuana plants ay natagpuan sa apat na sites mula sa tinatayang land area na 1,600 square meters sa Sitio Batangan, Tacadang, Kibungan Benguet, malapit sa tri-boundary ng Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Sa Mt.Province, nadiskubre ng mga tauhan ng Mountain Province Provincial Police Office (MPPPO) ang may 110 fully grown marijuana plants, na may hagalang P22,000 mula sa bulubundukin ng Barangay Sadsadan, Bauko, Mountain Province. Matapos bunutin ay agad na sinunog ang marijuana sa lugar.
ZC
January 28, 2019
January 28, 2019
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025