Mangingisda, nalunod sa ilog sa Abra

LA PAZ, Abra – Isang fisherman ang nalunod habang nangingisda sa Patagui River, Poblacion, La Paz, Abra, noong umaga ng Enero 24.
Sa pagresponde ng pulisya, nakilala ang biktima na si Wilber Benabese Timbengan ng Barangay Pangal, Danglas, Abra.
Sa imbesigasyon, ang biktima, kasama si Frederick Alcayde Benabese, 26, ay nagtungo sa ilog dakong ika-8 ng umaga para manghuli ng isda at makalipas ang ilang minuto ay nabigla si Benabese sa pagkawala ng biktima sa lugar.
Agad siyang humingi ng tulong sa mga tao sa para hanapin ito, hanggang matagpuan na nababalutan ito ng fishing net sa ilalim ng tubig. Agad na dinala sa La Paz District Hospital na binigyan ng CPR, ngunit wala pa rin itong malay at inilipat sa Abra Provincial Hospital, pero idineklara itong dead on arrival.
ZC

Amianan Balita Ngayon