Tatlong wanted person sa Benguet, nadakip

LA TRINIDAD, Benguet – Tatlong wanted sa lalawigan ng Benguet, ang nasakote sa magkakahiwalay na operasyon ng Benguet Provincial Police Office.
Nadakip ng Mankayan MPS noong Enero 22 si Rico Cadap Totanes, 30, single, farmer, sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Sergio T. Angnganay Jr of  RTC, Br 64, First Judicial Region, Abatan Buguias, Benguet sa kaso nitong attempted rape at two counts of acts of lasciviousness na may piyansang P144,000. Ang nadakip ay kabilang sa No.2 Top Most Wanted Person sa provincial level.
Nadakip naman ng Itogon MPS ang No.1 Top Most Wanted in the Provincial Level na si Jordan Runas Rivera, 25, student pastor ng Abundant Grace Bible Institute at residente ng Tuding, Itogon, Benguet.
Nadakip siya sa San Fabian, Kayapa, Nueva Vizcaya, noong Enero 22 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Caroline Rojas Jaucan, ng Branch 26, RTC, San Fernando City, La Union, na walang kaukulang piyansa.
Nadakip naman ng magkakasanib na tauhan ng La Trinidad MPS, CIDG PFU-Mountain Province, Sablan MPS, PIDMB, RID at PIB, ang tinaguriang No.5 Ten Most Wanted Person sa Provincial Level para sa 1st Quarter 2019 na si Robert Atinyao Balag-ey Jr., 34, ng Windy Hill Buyagan, La Trinidad, Benguet, noong Enero 22 sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 na may piyansang P120,000.
ZC
 

Amianan Balita Ngayon