P3-M marijuana plants binunot, estudyante huli sa droga sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Apat na plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office,Philippine Drug
Enforcement Agency – Cordillera at Naval Forces Northern Luzon sa tatlong-araw na operasyon,Hulyo 19-21 sa ilalim ng IMPLAN Man-gabut sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
May kabuuang 15,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP) ang pingbubunot mula sa taniman na 1,500square meters land at
agad na sinunog sa lugar na nagkakahalaga ng P3 milyon. Sa isinagwang buy-bust operation, nadakip ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station ang isang estudyante na ibinilang sa High Value Individual at itinuring na isa sa Regional Top Ten Drug Personality ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation, noong Hulyo 21 sa Purok 6, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang nadakip na si Selly Marie Kitongan Canao aka Blessy, 20, student at residente ng Ileb Nambaran, Tabuk City, Kalinga. Ayon sa pulisya, matagal ng sinusubaybayan ang modus operandi ng suspek sa pagbebenta ng ilial na droga, hanggang maisagawa ang buy-bust operation sa kanya.
Ibinenta ng suspek sa nagpanggap na poseur buyer ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 5.0 grams at may halagang P34,000.00.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon