Sa sunog na tumagal ng mahigit isang oras ay napinsala ang tinatayang P350,000 halaga ng kagamitan sa dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy sa Purok 9A, Balenben, Irisan, Baguio City noong 6:45 ng gabi ng Setyembre 5, 2017.
Nagtamo rin ng minor injuries ang may-ari ng bahay na kinilalang si Anderson Elio Copero, 59, balo, at isang magsasaka.
Lumabas sa pagsisiyasat na nasa basement si Copero nang makarinig ito ng pagsabog na sinundan ng pagkawala ng kuryente. Matapos ang ilang sandali ay naramdaman nitong ang unang palapag ng bahay ay nasusunog na.
Nadiskubre din nito na ang sunog ay nagmula sa kuwarto ng kanyang babaeng pamangkin, na wala sa bahay nang oras na iyon.
Nagdeklara ng fire out ang rumespondeng miyembro Bureau of Fire sa pangunguna ni SFO3 Bartolome Cacamo dakong 8:10 ng gabi.
Sa inisyal na pagsusuri ng arson investigators ay nakitang dahilan ng sunog ay faulty electrical wirings.
September 11, 2017
September 11, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025