P8.2 bilyon tax collection, target ng BIR Cordillera

Feb 17, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Target ng Bureau of Internal Revenue-Cordillera, na maabot o malagpasan ang layunin na P8.2 billion tax collections sa buong rehiyon ngayon taon. 
Ayon kay BIR Acting Regional Director Douglas Rufino, na bagama’t 97% lamang ang kanilang nakamit na tax collection noong nakaraang taon, ay isang malaking accomplishment pa rin ito sa revenue ng pamahalaan at patunay sa masigasig na kampanya ng tax collections sa rehiyon.
Kahapon ay pinangunahan ni Rufino at ng mga empleyado ang kick-off ng kampanya sa nalalapit na filing ng income tax sa Abril 15, kasabay ang paglulunsad ng “Salamat Sa’yo” logo ng BIR.
Aniya, ang “Salamat Sa’yo” ay programa ngayon ng bureau bilang pasasalamat, hindi lamang sa malalaking taxpayers, kundi para sa maliliit na taxpayers din.
“May kasabihan nga, ang isang milyon ay hindi mabubuo kung walang piso, kaya ang logo na ito ay para sa lahat ng ating taxpayers na tumatalima sa mga programa sa ating administrasyon,” pahayag ni Rufino.
Ayon kay Rufino, gagawin nila ang kanilang trabaho para maabot ang target na P8.2 billion tax collections sa pamamagitan ng mga bagong programa na gaya ng series of seminars of information and dissemination sa ilalim ng mga kasaad sa TRAIN Law.
Sa bagong TRAIN Law, ang BIR-Cordillera ay naka-kolekta ng 30 percent sa nakaraang buwan ng Enero, na mas mataas kumpara sa unang buwan ng nakaraang taon.
Aniya, malaking kabawasan din sa koleksyon ngayong taon ang pagtanggal sa ITR (Income Tax Return) mula sa mga minimum wages na empleyado o sumasahod ng P250,000 kada taon, pero ito naman ay mababawi mula sa tinatawag na large taxpayers service sa national office.
Ayon pa kay Rufino, target nilang iseminar ay ang mga small scale miners, lalo na sa lalawigan ng Abra, dahil sa nagdaang limang taon ay malaki ang ibinaba ng pamahalaan sa kita ng gobyerno.
Sa bagong administrasyon, ipinapaalam sa mga minero ng ginto na mula sa dating 5% tax sa pagbebenta ng ginto, maliit man o malaking gramo sa Central Bank ay ibinaba ito sa 1% na lamang.
“Ikinagagalak kong sabihin sa publiko na nitong Enero ay may P1.5 milyon halaga ng ginto ang pumasok sa Central mula sa ating lugar, dahil sa mababang tax na iginawad ng ating administrasyon,” wika pa ni Rufino.
Aniya, ang mababang tax na ito para sa mga minero ay isang malaking hudyat na maingat ang ating eknomiya, lalong-lalo na ang ginto na mapunta sa pamahalaan, kaysa mapunta sa mapansamantalang buyers at dalhin sa ibang bansa.
“Ipinapaalam ko din sa ating mga small scale miner na makakatulong kayo ng malaki sa purchasing power ng ating piso kung lahat po ng ginto ay dadalhin niyo sa ating Central Bank. At sa mababang tax po ngayon ay wala ng dahilan para hindi natin maengganyo ang minero na tumulong para palakasin ang ginto sa ating bansa,” pagtatapos ni Rufino. ZALDY COMANDA / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest