Nananatiling mataas ang pag-asa sa karamihan ng mga Pilipino sa darating na taon, sa kabila ng maraming isyu na kinakaharap ng bansa at mga pagsubok at kalamidad nitong taon.
Ito ay ayon sa survey ng Pulse Asia kung saan isinagawa ang nasabing survey noong Disyembre 3 hanggang 8, 2019 at lumabas na 93 porsiyento ng mga Pilipino ay gustong salubungin ang 2020 Bagong Taon na may “mataas na pag-asa”, mas mataas sa nakaraang taon na 91 porsiyento.
Ibig sabihin nito ay siyam sa bawat sampung Pilipino ay may positibong pananaw na may pagasa sa 2020. Maliit na porsiyento lamang na nasa 0.2 ang nagsabing haharapin nila ang bagong taon na “walang pag-asa” habang pitong porsiyento ang “nag-aalinlangan” sa bagay na ito.
Kapansin-pansin ang pagtaas sa Metro Manila na mula sa 92 porsiyento ay pumalo sa 95 porsiyento, sa Visayas na 98 porsiyento mula sa 88 porsiyento, sa Mindanao na mula 89 porsiyento ay umakyat sa 95 porsiyento habang ang Class E ay tumaas sa 91 poriyento mula sa 76 porsiyento.
Ang pag-asa ng publiko ay Class E na 93 porsiyento subalit bumaba sa Balance Luzon na 90porsiyento mula 93 porsiyento at sa Class ABC na 97 porsiyento mula sa 99 porisyento.
Samantala ay 48 porsiyento ng mga sumagot sa survey ay nagpahayag ng positibong ekspektasyon nitong nagdaang Pasko habang bumaba ng isang prosiyento kumpara sa nakaraang taon na 49 porsiyento, 11 porsiyento ay inisip na mahirap kaysa nakaraang taon para sa kanilang pamilya, habang 41 porsiyento ang naniniwalang pareho lang sa nakaraang taon.
Kapansin-pansin din na ang survey ay isinagawa ng hagupitin ang bansa ng mga kalamidad, kabilang ang pinakamalakas na bagyong “Tisoy” at sunod-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao at ilang bahagi ng Luzon.
Gayundin sa panahon nga pagiging punong abala ng bansa sa 30th SEA Games kung saan may mga isyung ibinato.
Tinanong ng Pulse Asia ang 1,200 matatandang Pilipino gamit ang error margin na ± 2.8 percentage points sa 95 percent confidence level. Subnational estimates para sa bawat isa sa Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao ay may ±5.7 percentage points error margin sa 95 percent confidence level.
Kung pagdudugtungin ang inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Disyembre 6 kung saan bumaba ang porsiyento ng unemployment at underemployment sa 14- taong pinakamaba at nagpakita rin ng makahulugang pagbaba ang kahirapan mula 2015 hanggang 2018, marahil mas mababa nga ang bilang ng mahihirap at walang trabaho ngayon.
Bumaba ang poverty incidence sa 16.6% noong 2018 mula 23.3% noong 2015. Ibig sabihin nito ay 17.6 milyon Pilipino ang nabubuhay na mas mababa sa poverty threshold noong nakaraang taon. Kailangan ng isang karaniwang Pilipino ng kahit PhP2,145 para makuha ang karamihan sa pangunahing food at nonfood na pangangailan noong 2018.
Kapag pagbabasehan ang bawat isang pamilya, bumaba rin ang bilang ng mahihirap na pamilya sa 12.1% noong 2018 mula 17.9% noong 2015. Ibig sabihin nito ay 3 milyon mahihirap na pamilya sa bansa ang nangangailangan ng kahit PhP10,727 upang matikman ang pangunahing pangangailangan noong 2018.
Sa Macro Poverty Outlook for East Asia and the Pacific report ng Worlda Bank na inilabas noong Oktubre ay inaasahan na bababa ang poverty rate ng Pilipinas na mas mababa sa 20 porsiyento umpisa ng susunod na taon. Tinataya ng World Bank ang poverty incidence sa 20.8 % sa pagtatapos ng 2019, mas mababa sa 26% noong 2015, ang pinakahuling pagkukumpara sa full-year date mula sa gobyerno ng Pilipinas. Tinaya ng World Bank ang poverty incidence ng Pilipinas sa 24.5 % para sa 2016, 23.1 % sa 2017 at 21.9% para sa 2018.
Nakikita rin ng World Bank na patuloy na bababa ang poverty rate ng Pilipinas sa 19.8% sa susunod na taon at 18.7% sa 2021 at sa kabila ng growth slowdown sa unang kalahati ng 2019, ang progreso sa pinagsamang pag-unlad ay malamang na magpapatuloy.
Dahil ditto ay siniguro ng Malacañang na ipagpapatuloy ang magandang serbisyo sa mga Pilipino sa susunod na taon at sinabing marami pang aasahang magandang pagbabago sa bansa sa darating na taon gaya ng patuloy na paglakas ng ekonomiya na inaasahang makakatulong para mabago ang buhay ng mga Pilipino. Hinimok din ang sambayanan na manatiling positibo at puno ng pag-asa , ipagpatuloy ang pagsuporta sa gobyerno at salubungin ang bagong taon para sa inaasam na pag-unlad.
Sa ilan ay maaaring pinaghalong kaginhawaan at di kapani-paniwala at sa iba ay kuwentong kutsero ang mga numero dahil marahil sa pagkakasulat ngunit nagpapakita kaya ito na gumagana ang “Dutertenomics”? Isantabi na lang ang politika, ngunit maganda ang layunin ng mga numero, subalit mapagkakatiwalaan kaya natin ito?
Umasa a lang tayo sa pag-asa dahil ayon nga sa Hebreo 10:23, “Magpakatatag tayo sa pagasa natin at huwag tayong mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.”
December 30, 2019
December 30, 2019
November 30, 2024
November 23, 2024
November 17, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024