Isinusulong ng konseho ang pagkakaroon ng maiinom na tubig sa bawat paaralan at ang paghimok sa mga estudyante sa elementarya at high school na uminom ng isang basong tubig bago magsimula ang bawat subject.
Sa proposal ni Councilor Elmer Datuin, layunin nito na tumulong upang painumin nang walong baso ng tubig kada araw ang mga bata upang maiwasan ang tumataas na kaso ng urinary-related illnesses at kidney diseases na sanhi ng kakulangan ng tubig sa katawan at nagdudulot ng pagod, sakit ng ulo at pagkawala ng focus ng bata sa pag-aaral.
Layunin nito na iiwas ang mga bata sa sakit na sanhi ng sobrang pagkain ng junk foods at pag-inom ng soft drinks na ibinebenta sa school canteen.
“Uso ang dialysis kaya dapat habang bata pa lang inaalagaan na ang kidney at best way para maalagaan ito ay ang pag-inom ng eight glasses of water a day,” ani Datuin sa session ng konseho noong ika-6 ng Pebrero.
Ang ordinansa ay nakabase rin sa Policy and Guidelines for the Comprehensive Water, Sanitation, and Hygiene in School (WinS) ng Department of Education kung saan ipinag-uutos sa lahat ng school na mag-provide ng regular supply ng safe drinking water. Sarah Joy Balagtas, UC Intern / ABN
February 18, 2017
February 18, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025