Pagbaba ng krimen sa Baguio, iniulat ng BCPO

Apr 25, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Inihayag ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pagbaba ng krimen sa lungsod ng Baguio noong ika-24 ng Abril 2017 sa city hall.
Ayon sa BCPO, ang isinasagawa nilang crime prevention ay malaki ang naiambag para bumuti ang sitwasyong pangkapayapaan sa lungsod.
Sa tulong ng iba’t-ibang stakeholders sa pagpapatupad ng anti-criminality plans at stratehiya ay nagresulta ng pagbaba sa kaso ng krimen.
Ang naitalang kabuuan ng crime volume base sa police blotter mula Enero hanggang Marso ngayong taon ay nasa 944 krimen na 54 porsyento ang ibinaba kumpara noong nakaraang taon na 2,043 na kaso ang naitala sa parehong panahon.
Ang index crimes ngayong unang quarter ng taon ay nasa 268 na kaso na may 71 porsyentong pagbaba mula sa 923 na krimen na naitala noong 2016.
Ang non-index crimes ay nasa 676 na kaso na 76 porsyento ang ibinaba kumpara noong unang quarter ng 2016 na 2,610 ang naitala.
Nagkaroon din ng pagbaba sa kaso ng mga pagnanakaw na may 467 kaso o 79 porsyentong pagbaba kumpara noong 2016 at robbery na bumaba ng 80 porsyento mula 132 na kaso ay naging 26 na kaso at carnapping na bumaba sa isang kaso mula sa limang kaso ng unang quarter ng 2016.
Sa physical injuries naman ay bumaba mula 180 na kaso hanggang 96 ngayong taon o 47 porsyentong pagbaba.
Samantala, ang average index crime clearance efficiency ng unang quarter sa taong ito ay naitalang nasa 78 porsyento na tumaas ng 46 porsyento mula sa nakaraang taong may 32 porsyento.
Ang average index crime solution efficiency ay naitala sa 62 porsyento na tumaas kung ikukumpara sa nakaraang taon na may 27 porsyento.
Ang pagbaba sa index crime volume at pagtaas ng CSE at CCE ay dahil sa pagpapatupad ng pinaigting na Lambat Sibat at paggamit ng Geographic Information System Based Crime Analysis (GIS-BCA) sa aktibong pagdedeploy ng mga pulis sa mga kritikal na lugar base sa crime clock.
Ang paggamit ng motorized response team ay may malaking epekto dahil sa presensiya ng mga pulis sa grassroot level at ang increased cross border patrol kung saan mayroong pulis assistance sa mga lugar na hindi kayang i-cover ng mga patrol vehicles.
Sa patuloy na pakikipagugnayan sa local government unit (LGU) at ibang mga sektor ay nagbibigay ng mahalagang parte sa kabuuang seguridad ng lungsod. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest