Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo

Kaya’t ako na bilanggo sa Panginoon ay nagsusumamo sa inyo na kayo’y lumakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo’y itinawag, na may lubos na kapakumbabaan at kaamuan, may pagtitiyaga, na magparaya sa isa’t isa sa pag-ibig; na nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. May isang katawan at isang Espiritu, kung paanong tinawag kayo sa isang pag-asa ng pagkatawag sa inyo, isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang nasa ibabaw ng lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. Subalit sa bawat isa sa atin ay ibinigay ang biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya’t sinasabi, “Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag at nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.”

EFESO 4:1-8

Amianan Balita Ngayon