“Walking Time Bombs”, dumarami na

May 7, 2017

Sa ika-walong taon na ay ipinagdiriwang natin sa buwan ng Mayo ang “Hypertension Awareness Month” na inilunsad ng Department of Health dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang mga Pilipinong mataas ang presyon na isa sa pinakamatinding dahilan ng dagliang pagkamatay.
Hinihikayat ng DOH ang lahat na makibahagi sa programa nito na ma-screen ang blood pressure (BP) ng may 1.7 milyon may edad 18 pataas na hindi pa sumailalim sa blood pressure examination sa mga nakalipas na taon sa buong buwan ng Mayo bilang bahagi ng Hypertension Awareness Month.
Ayon sa DOH ay nananatiling nangungunang sanhi ng pagkakasakit at pangunahing dahilan ng maagang pagkamatay sa bansa na may naitatalang 200,000 kamatayan na iniuugnay direkta man o hindi sa high blood pressure.
Isa sa apat o limang Pilipino o mahigit kalahati ng 12 milyong Pilipino na may hypertension ay hindi alam ang kanilang kondisyon at marami ang walang kamalay-malay na isa na silang “walking time bombs” dahil sa anumang oras ay sasabog ito. Tinagurian din ang high blood pressure na “silent killer” dahil minsan ay walang sintomas ito na lumalaking problema sa kalusugan sa Southeast Asia.
Ang panganib na maaaring makuha ng isang tao sa anumang oras ay ang pagkakaroon ng komplikasyon gaya ng massive stroke, heart attack, heart failure, at kidney failure. Ang klase ng pamumuhay kabilang ang pisikal na aktibidad, klase ng kinakain, at mga bisyo ay napakalaki ang ambag sa pagkakaroon ng hypertension.
Ang obesity o masyadong mataba sa mga Pilipino ay pinakamataas sa Cordillera Administrative region (CAR) dahil na rin sa maraming nakakain at klase ng pamumuhay dito ayon sa National Nutrition Council (NNC). Kumukonsumo ang mga taga-Cordillera ng 940 gramo kada araw sa national average food intake na 844 gramo ayon pa rin sa NNC. Ang mga non-communicable disease o hindi nakakahawang sakit gaya ng hypertension at diabetes ay mataas sa CAR dahil sa mataas na antas ng katabaan.
Hinihikayat din ng DOH ang publiko na magpa-screen sa hypertension at iba pang hindi nakakahawang sakit gaya ng diabetes sa mga rural health units, health centers, barangay health stations at ibang health care facilities sa buwan ng Mayo. Ang paghadlang at pag-agap ang pangunahin pa ring pagkontrol sa hypertension o alta presyon gaya ng pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, ehersisiyo at malusog na pagpili sa pagkain na mataas sa fiber at mababang taba, asukal at asin.
Mayroon ding klase ng pagtaas ng blood pressure gaya ng reactive hypertension na dulot ng pagtugon ng katawan sa stimulant o stress. Ang normal na blood pressure ay 120/80 at maaaring tumaas sa 140/80 depende sa Gawain ngunit kung tumugon ang katawan sa stress ay maaari itong umabot sa 160/80 o higit pa.
Ugaliing magkaroon ng regular na check-up sa doctor at kailangang alamin ang inyong blood pressure bago maging huli ang lahat. Pmcjr.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest