Sen. Sotto inupakan ng mga kababaihan

May 7, 2017

Sumulak ang dugo ng maraming kababaihan (in particular) kay Sen. Tito Sotto kamakailan dahil sa iysu ng salitang: ‘NA-ANO LANG’! Hayagang binatikos ng Gabriela Partylist ang pahayag na ito ni Sotto kay DSWD Sec. Judy Anne Taguiwalo kaugnay sa pagiging single parent nito. Nangyari ito sa gitna ng hearing ng CA – Commission on Appointments, kamakailan. Sa naturang confirmation hearing, tinanong diumano ni Sen. Sotto si Sec. Taguiwalo kung siya ay single, dahil nakalagay sa personal information sheet nito na meron siyang dalawang anak. Ipinaliwanag naman ni Sec. Taguiwalo na hindi naging normal ang kanyang buhay lalo pa at minsan na itong dinakip dahil sa pagsapi diumano sa makakaliwang grupo. Dito na umupak ang senador: “In the street language, when you have children and are single, ang tawag doon ay “na-ano lang!” sagot naman ni Sec. Taguiwalo, siya’y guro ng women’s studies sa University of the Philippines at kanilang nirerespeto ang anomang estado ng pamilya, kabilang na ang mga solo-parents. Bumawi naman si Sotto at humingi ng paumanhin: “So I don’t think there should be any big fuss about it. That’s why and premise ko, ang sabi ko – in the street language, hindi ba, yun ang biruan sa kalsada? Kung minasama nila, eh, di I’m sorry, I apologize. They don’t understand the joke.” Yan ang paliwanag ng senador sa mga nainsulto umano sa kanyang biro na maaaring hindi lang aniya naunawaan. Sa punto ng Gabriela, sinumang solo parent ay hindi nararapat na insultuhin tulad ng ginawa ni Sen. Sotto kay Taguiwalo.

******

Inulan ng masasakit at maaanghang na mga komento sa masa ang salitang ginamit ni Sen. Sotto. Lantaran daw na isa itong pangmamaliit at pang-iinsulto sa solo parents. Hindi naman daw kasalanan ng mga solo parent ang kanilang sinapit. Dapat nga raw ay unawain at kaawaan pa sila dahil sa kanilang sinapit lalo na yung mga biktima ng rape o pangmomolistiya. Meron ding mga solo parent ang basta na lamang iniwan ng iresponsableng lalaki matapos maanakan. Ngayon, biktima na nga sila, sila pa ang ipinapahiya sa lipunan. Marami pang matitinding batikos ang nagpalipat-lipat sa mga tsismisan corners ng lipunan kontra Sen. Sotto.  Sabi pa nga ng isang analyst: makakaapekto raw ang ginawa ni Sotto sa kanyang poltical carreer. Marami ring bumanat na hindi naman daw busilak na malinis ang angkan ng senador kaya di dapat siyang manliit o mang-insulto sa mga kababaihan. May nagpasaring pa nga: bakit, hindi ba babae ang ina at asawa ni Sotto at ganyan ang kanyang pananaw kahit pa pabiro? May nagbanta pa na makakarma raw si Sotto pagdating sa susunod na eleksiyon. At marami pang mga komentong humahanga naman sa katatagan ni Sec. Taguiwalo. Maalaala na hindi pa tapos ang kumpirmasyon kay Taguiwalo, habang sinusulat ang espasyong ito.

******

Dahil sa katabilan ng dila ni Sen. Sotto, nagpiyesta tuloy ang maraming Pinoy sa mga buhay-artista. Dahil isang artista raw ang senador, malamang kaysa hindi ay maaring may mga naka-relasyon daw ito na maaaring nagbunga. At kung susuriin, sabi ng iba, marami ring mga artista ang naging solo-parents sa ngayon. Ang isang ehemplo ay walang iba kundi si Ms. Kris Aquino. Solo parent din siya gaya ng iba pang sikat na artista. Hindi naman sila nilalait, di ba pards? Hindi naman daw sila ini-insulto. Bakit nagawa daw ni Sotto na insultuhin si Sec. Taguiwalo? May bumulong: kasi daw ay hindi artista si Sec. Judy Anne. Tsk tsk, buhay nga naman. Sabi nga ng mga damatan: galangin ang iyong kapwa, maging sino pa man ito, upang ikaw ay igalang din nila. Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MERGING THE BARANGAYS

The renewed effort to consolidate and merge the 128 Barangays in the City of Baguio is once again at the forefront in a lot of peoples...

PILIPINAS… NASA TAMANG DIRESIYON!!!

Base sa isinagawang survey ng OCTA nitong 4th quarter ng 2022….85% ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksiyon ang ating bansa...

SINGLE MALTREATED

The closing of a city led festival ended in a sour note because of a crass sponsor who thought it fit to deny artists of a drink. The...

PASKO SA BAGUIO

MUKHANG kakaiba ang mga naihandang mga programa sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa Baguio. Mas masigla, Mas masaya, at mas nasa puso at diwa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest