Pagkamatay ng dayuhan, natural death

Isang dayuhan ang namatay habang natutulog sa kanilang bahay sa Purok 27, Upper San Carlos Heights, Irisan, Baguio City noong Setyembre 13.
Kinilala ang namatay na dayuhan na si Farid Hussein Arzouni, 64, may-asawa, dating guro ng English na may dual-citizenship na African/Lebanese at may Passport No. 124612 ay nadiskubre ng kaniyang asawang si Marilyn Picare Arzouni, 48, may-bahay at nakatira rin sa parehong address.
Sinabi ni Picar na nakahiga silang dalawa bandang 11:30 ng gabi nang mapansin niyang hindi na humihinga ang kaniyang asawa. Ipinagbigay-alam niya ito kay Barangay Tanod Crisostomo Anayasan ng Purok 27, San Carlos Heights at ipinagbigay-alam din sa Police Station 10 bandang 12:30 ng madaling araw ng Setyembre 14. Sa panayam kay Gng. Arezouni ay napag-alamang mahigit isang taon ng nakaratay ang mister niya at umiinom ng mga gamot dahil mga kumplikadong sakit.
Prinoseso ng mga rumespondeng SOCO team ang lugar ng insidente at pagkatapos ay dinala ang bangkay sa Bahay Damayan Funeral Holmes sa Marcos Highway, Baguio City para sa kaukulang autopsy examination.

Accident in LU

Estudyante huli sa ADDDA

Amianan Balita Ngayon