Pagtatanim ng tabako pinalalakas sa bayan ng Ilocos Norte

Provincial

LUNGSOD NG LAOAG – Ang mga magsasaka sa Piddig, Ilocos Norte ay pinapalawak ang kanilang masidhing pagtatanim ngayong taon sa isang panibagong interes sa tabako.

Sa suporta ng Universal Leaf Philippines Inc. (ULPI), ang pinakamalaking tobacco growing at processing company sa bansa at sa pakikipag-ugnayan sa National Tobacco Administration at lokal na gobyerno ng Piddig, maraming magsasaka ang nagumpisa nang magtanim ng tabako bilang isa sa kanilang alternatibong tanim kung saan lahat ng kinakailangan nilang farm inputs maliban sa labor ay ibibigay sa kanila ng libre.

Siniguro ito ni Piddig Mayor Eduardo Guillen noong Miyerkoles sa lahat ng interesadong magsasaka na nais sumubok sa pagtatanim ng tabako habang ang munisipalidad ay nangako ng subsidiya sa kanilang capital input.

Sa ngayon, ang bayan ng Piddig ay may mahigit 200-ektarya ng pinagsama-samang sakahan na nakalaan sa pagtatanim ng tabako at karagdagang kita ng munisipalidad na tinatayang PhP200 milyon kada taon.

Ang karagdagang kita ay kumakatawan sa isang bahagi sa tobacco excise tax sa ilalim ng Republic Act No. 7171, ang batas na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga magsasaka ng mga bayan at mga probinsiya na nagtatanim at umaani ng tabakong Virginia.

Sa ilalim ng batas na ito, ang mga lokal na gobyerno na umaani ng tabakong Virginia ay may karapatan sa 15 porsiyento ng national tax collections.

“As everything — from seeds, fertilizers, farm equipment and barn will be provided for the farmers, we expect that each farmer can earn PHP70,000-PHP80,000 per hectare from growing tobacco alone,” ani Guillen sa isang panayam.

Maliban sa sama-samang pagtatanim ng tabako, ibinahagi ng mayor na isa pang 100 ektarya sa Barangay Calambeg ang pinag-aaralan na idevelop bilang isang rantso para sa unang batch ng upgraded na mga baka para sa wagyu meat production sa hinaharap.

Simula Oktubre ng nakaraang taon, ang mga native na baka sa nasabing bayan ay artipisyal na pinupunlaan upang magkaroon ng wagyu-cross calves.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)