Pagtayo ng multi-level parking, prayoridad sa Baguio

Aug 27, 2017

Inilahad ni Mayor Mauricio Domogan na nais niyang bigyan ng proyoridad ang pagtatayo ng multi-level parking upang malunasan ang lumalalang problema ng lungsod sa bigat ng trapiko.

Sa kabila ng maraming eksperimento nang ipinatupad mula sa coding at rerouting ay nananatili pa ring sakit ng ulo ng mga motorista at maging ng mga residente ang matinding trapik.

Ani Domogan, isang tinitignang lugar na pagtatayuan ay ang bakanteng lote ng Baguio Fire Department para magsilbing parking area ng mga sasakyan sa paligid ng city hall.

Sinabi ng mayor na kailangang gamitin ang savings sa pagsasaayos ng Baguio Convention Center upang pondohan ang 8-storey multi-level parking.

Ipinaliwanag niya na ang ipinanukalang istraktura ay magsisilbing parking area ng lahat ng mga sasakyan ng pamahalaan upang mabigyan ng espasyo ang mga lugar sa paligid ng city hall at ng magamit ng mga pribadong may-ari ng sasakyan na iparada habang may mga transaksyon silang inaayos sa iba’t ibang tanggapan ng city hall.

“Ang lokal na pamahalaan ay nagsisikap na maghanap ng angkop na mga lugar kung saan maaaring itayo ang mga istrukturang paradahan ng multi-level upang matulungan ang pag-decongest sa mga lansangan ng lungsod.”

Aniya ay patuloy na naghahanap ang pamahalaang lungsod ng angkop na mga lugar para sa multi-level parking, ilan dito ay kinabibilangan ng parking area sa Ganza at kinalalagyan ng lumang awditoryum.

Batay sa plano ng parking sa Ganza, ang rooftop ay magiging lugar ng produksyon para sa mga bulaklak at iba pang mga halaman para sa mga nais magnegosyo, recreation facilities upang tulungan ang pasilidad na mamintina para sa mga interesadong magtaguyod.

Inamin niya na ang pay-parking ay hindi isang kapaki-pakinabang na negosyo, sa gayon, kailangan na isama ang iba pang mga gawain sa pagbuo ng kita. Kapag ito ay gagawin sa pamamagitan ng isang public-private partnership (PPP) upang maakit ang mga interesadong mamuhunan na kasosyo sa lokal na pamahalaan para sa pagsasakatuparan ng nasabing gawain.

Sinabi niya na ang lokal na pamahalaan ay laging bukas sa mga suhestiyon kung paano matugunan ang mga problema sa paradahan ng lungsod at isinasaalang-alang ang magkasama sa pagpaplano at konseptwalisasyon ng pagtatayo ng mga kinakailangang multi-level na istruktura ng paradahan alinman sa pamamagitan ng PPP o anumang magagamit na lokal na pondo. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest