Publiko, pinag-iingat dahil sa mga holdapan at pagpatay

Aug 27, 2017

Dahil sa magkakasunod na holdapan at pagpatay sa lungsod ay pinag-iingat ni Mayor Mauricio Domogan ang mga mamamayan.

Aniya ay maging mapagbantay ang publiko laban sa mga kahina-hinalang tao upang maiwasan ang krimen na naghahatid ng takot para sa kaligtasan sa mamamayan at sumisira sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Hinikayat din niya ang mga residente na aktibong makilahok sa pagpigil sa krimen sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga operatiba ng pulisya ng mahahalagang impormasyon tungkol sa presensya ng mga kahina-hinalang mga indibidwal o bagong mukha sa kanilang komunidad.

Iniutos niya sa mga opisyal at kasapi ng Baguio City Police Office (BCPO) na ipagpatuloy ang lahat ng naaangkop na legal na remedyo sa loob ng kanilang awtoridad upang makilala ang mga may kasalanan ng dalawang insidente ng pagpatay.

Palaisipan pa rin sa kapulisan ang sunod-sunod na holdapan at pagpatay sa mga taxi driver nitong mga nakaraang araw. Patuloy ang imbestigasyon sa mga anggulo ng mga pangyayari.

“Nagpapasalamat kami sa pakikipagtulungan ng ating kapulisan kasama ang mga kalapit na bayan ng Benguet upang lutasin ang dalawang insidente ng brutal na pagpatay na nagtaas ng pagmamalasakit sa mga residente at pagbisita,” ani Domogan.

Nabatid na si Angel Sarmiento, isang driver ng taxi na residente ng Pines Park, Balili, La Trinidad, Benguet, ay ninakawan at sinaksak ng dalawang hindi pa natukoy na salarin, sa Mulberry Alley, Asin Road, Baguio City, habang si Roberto Albino, 47, may asawa at residente ng Asin Road, ay natagpuan patay sa loob ng kanyang taxi sa Badiwan, Poblacion, Tuba, Benguet ngunit ang kanyang koleksyon at personal na mga gamit ay hindi nagalaw.

Panawagan ni Domogan sa mga posibleng saksi sa dalawang insidente na magbigay ng impormasyon sa pulisya para sa agarang pagkilala ng mga suspek upang mapawi ang pagkaalarma ng mga drayber ng taxi at mga residente sa diumano’y muling pagkabuhay ng robbery holdup sa lungsod.

Sinabi ng mayor na ang mga opisyal ng barangay at ang mga miyembro ng barangay peacekeeping action teams ay dapat magsimulang muling pag-aralan ang pagpapatupad ng kanilang mga estratehiya para sa pagpapanatili ng kapayapaan upang maging epektibo at mahusay na makakatulong sa pagpigil ng mga krimen sa kanilang mga nasasakupan nang hindi isinasakripisyo ang kanilang pagsisikap na ihinto ang paglaganap ng bawal na gamot.

Aniya, ang pagkakaroon ng kapayapaan sa mga barangay at lungsod sa kabuuan ay responsibilidad ng bawat mamamayan, kaya kailangan ay makipagtulungan ang lahat sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa awtoridad. ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest