Palaro 2018, pinaghahandaan na sa Baguio-Benguet

Bagaman ilang buwan pa ang paghahanda at hindi pa napagdesisyunan ang host para sa nalalapit na Palarong Pambansa 2018 ay minabuti na ng pamahalaang panlungsod at ng komite ang puspusang paghahanda bilang host para sa tataguriang “The Coolest Palaro” matapos lumagda ng pledge of commitment ang lahat ng iba’t ibang ahensya sa pribado at gobyerno bilang pagkakaisa.

Sinabi ni Mayor Mauricio G. Domogan, “ang mga prayoridad na dapat nating gawin ay isa ang peace and order. Kailangan natin ang pagtutulungan dahil kung gaano man kaganda ang lugar natin kung may nagaganap na kidnapping o mga pagsasamantala ng masasamang loob ay kailangan ito ang isa na mabantayan natin hindi lang ang kapulisan ang dapat kumilos kundi maging tayong mamamayan ay concern sa bagay na ito. Isa pa natin higit na paghandaan ay ang playing venues, billeting areas to make sure na ang mga atleta at delegasyon na mula sa 70 regions ay mabigyan ng komportableng pasilidad at inaasahan natin ang partisipasyon na tutulong ang representative ng Beneco at Baguio Water District ay magsu- supply ng maayos para sa ating mga atleta.”

“Sa lahat ng mga business sectors sana naman ay huwag niyo samantalahin ang pagtaas ng presyo ng inyong mga produkto, we will make a difference as host of the Palarong Pambansa in the event,” ani Domogan.

Siniguro naman ni BCPO OIC city director PSSupt. Ramil Saculles kaugnay sa trapiko na mapapabuti ito at nakahanda na rin rain or shine. “Sanay na ang BCPO para mag-addressed ng ganitong sitwasyon, what will be the best practices that was adopted during the Panagbenga and visit of our Ms Universe here probably we will integrate the best practices the good thing is since we have pledge all our commitment to the security package from our volunteer from fire, the NGO’s and the tanods will form part the augmentation on the streets.”

“As you all know our traffic it is expected that there is a decrease in the number of a vehicle pero kapag nakita natin ay na identify na natin lahat ito way back sa mga mabibigat na activity na nangyari dito sa Baguio may 34 critical areas at kailangan lang na ma manage natin itong mabuti, makita lang natin na may gridlock diyan it will always be the police man to manage itong mga major intersection and critical areas, ito lang naman ang medyo mabigat na challenges, but on the peace and order as we can see, alam naman natin ang significant ay nag decrease in a crime incident in the city of Baguio, we are now hitting around 71% decrease in index crime,” ani Saculles.

Samantala, ang Vigan City sa Ilocos Sur ay nagsumite ng sulat ng intensyon na mag-host din ng 2018 hosting ng Palarong Pambansa habang ang Davao City ay nagpahayag na ang layunin nito ay maging host ng 2019 national sports competition. ABN

Amianan Balita Ngayon