Hindi po ikinatuwa ng Muslim community ng Benguet lalo na ang mga muslim sa lungsod ng Baguio City ang ginawa ng tatlong ginang na nagbuhos ng inuming alak (wind) sa mismo pintuan ng Almaarif Educational Center
(mosque) ng barangay Campo Filipino araw ng Merkules sa oras ng tanghali, ito ay nasagip ng CCTV camera ng nasabing islamic institute (AMEC) bumaba mula sa isang Toyota Fortuner ang tatlong ginang na may dala-dala silang botilya na may laman ng alak at kanilang ibinuhos kung saan ang pintuan ng Masjid (Mosque) at ito ay
pinatutunayan ng isa sa faculty ng Almaarif Educational Center na mismo siya ang umamoy sa nasabing alak (wind) na kanilang ibinuhos dito.
Ngayun! bilang isang leader ng BAGUIO BENGUET MUSLIM ASSOCIATION (SINAR) ay aming mariing kinukundina ang mga ganitong malateroristang gawain dahil ito ay aming itinuturing na katakot-takot at mapanganib na gawin, BAKIT KAMO ? 1. Katiyakan hindi lingid sa ating kaalaman ang mga ginagawa ng mga terorista sa mga Mosque ng iba’t-ibang bansa, binubuhusan ng gasolina at sinisindihan, pinapasok at minamasaker ang mga tao sa loob, ginigiba ang mga Mosque na wala naman kaukulang sapat na dahilan.
2. Sa nasaksihan po namin na ginawa ng tatlong ginang na ito, at dito pa mismo sa isa sa pinaka malaking Mosque at
paaralan namin na mga Muslim ay di hamak na kaya nilang gawin sa mga maliliit naming Mosque sa nasabing lungsod. 3. Sa nasaksihan namin na tila bang walang pangamba at takot ang tatlong ginang na ito sa kanilang ginawang karumal-dumal ay hindi po mawawala sa aming pag-iisip na may nasasandalan ang mga ito na malaking gropo .
Para sa karagdagan ng inyong kaalaman ay ang Muslim Community ng Benguet lalo na sa Baguio City ay matibay ang aming pakikipagtulongan sa Local Government at sa mga law inforcement unit partikular sa mga alagad ng batas, ang nagpapatunay dito ay bahagi ng Muslim Community ang tatlong lihitimong Barangay Chairman ng Lungsod ng Baguio at may mga Barangay Opisyal mula sa iba’t-ibang barangay ng nasabing lungsod at isa rin dito ang senior councilor ng Baguio City ay isa rin kapatid na muslim, at ang Regional Office, OFFICE ON MUSLIM FILIPINOS sa pangunguna ng aming mahal na Regional Director Atty. Raihana (Sarah) Macarimpas ay lahat sila bahagi ng public servant.
At ang bunga ng lahat ng ito ay ang katahimikan, kapayapaan, kaayusan at kasaganahan at mga lihitimong mga mangangalakal kaya pakiusap namin kung sinoman kayong mga ginang at sinoman ang nasa likod ng inyong gropo
ay pakiusap na huwag na huwag ninyo kami guluhin dito. Ayun kay Kapitan Nasif Joel Omar na siya rin ang
Punong Barangay na kung saan nangyari ang insidenti na ito ay natukoy na ng mga alagad ng batas ang mga pangalan ng tatlong ginang na ito at yan din ang aming layunin na ipaubaya sa batas kung anuman ang bumabagay sa kanila ng kaukulang kaso. At umaasa ang Muslim Community na agarang mabigyan ng kaukulang kaso at
tuluyan mapuksa ang may masamang hangarin sa kapwa.
October 5, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025