Pampasaherong jeep, na-hit and run ang motorsiklo

Isang security guard ang nagpunta sa tanggapan ng pulis upang ipa-blotter ang isang pampasaherong jeep sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property (Hit and Run).
Ayon kay Rheynato Cabbigat, Security Guard ng High Ground Professional Agency at residente ng Lower Monglo Sablan, Benguet, nangyari ang insidente dakong 4:15pm sa kahabaan ng Otek Street kung saan isang pampasaherong jeep na may plakang AYP-389 ang nanggaling sa direksyon ng Otek papuntang Shanum Road nang biglang mabangga nito ang isang motorsiklo na may plakang AU-44534 habang nakaparada sa gilid ng kalsada.
Ang naging resulta ay kailangang bayaran ang pinsalang naidulot ng jeep sa motorsiklo. Ang insidenteng ito ay nasaksihan ng kasamahan ni Cabbigat sa trabaho na sila Lapaan, Paganas at Dulay. MICHAEL MARTINEZ, UB Intern

Amianan Balita Ngayon