Grade 7 na estudyante, nahagip ng sasakyan

Isang grade 7 na estudyante ang idinala sa Baguio General Hospital matapos na mahagip ng isang Mitsubishi Strada Pick-up sa Harrison Road bandang 4pm ng Pebrero 6, 2018.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang grade 7 na si John Alexander Natividad Lipiano, 12 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Eagle Crest Phase I Bakakeng Sur, Baguio City ay naghahabulan kasama ang kanyang mga kaklase sa gilid ng kalsada nang mahagip siya ng kanang bahagi ng isang Mitsubishi Strada Pick-up na may plakang  CSG-967 na minamaneho ni Wilfredo Emocling Gopeng, 52 taong gulang at residente ng Badihoy Street Guisad, Baguio City.
Nagtamo ng mga sugat si Natividad at dinala ni Gopeng sa Baguio General Hospital upang malapatan ng kaukulang medikal na atensiyon. MICHAEL MARTINEZ, UB Intern

Amianan Balita Ngayon