Motor, wasak matapos sumalpok sa kotse

Halos mawasak ang Yamaha SZR16 motorcycle na may plakang BA-88054 na pag-aari ni Jester Beiting Bay-an, 32, may asawa, negosyante at residente ng Bagueng Tinongdan, Itogon, Benguet.
Sa ulat ng pulis dakong 11am ng Pebrero 5, binabaybay ni Bay-an ang kahabaan ng Outlook Drive nang bumangga ito sa isang Toyotta Corolla na may plakang UBB-597 na naka-garahe sa tapat ng bahay ni Herico de Vera Rimando, 20, estudyante at may ari ng sasakyan.
Dinala si Bay-an sa Baguio General Hospital (BGH) para gamutin ang mga natamong sugat at galos sa katawan. MARK PAUL PERALTA, UB Intern

Amianan Balita Ngayon