SAN QUITIN, Pangasinan
Pinasinayaan ang ikasampung Balay Silangan eformation Center sa Pangasinan noong Huwebes,
Setyembre 8 sa bayan ng San Quintin , na inilaan para mga nangangalakal ng droga na boluntaryong sumusuko sa mga awtoridad at kumukuha ng plea bargain agreements. Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan director Retchie
Camacho na ang nasabing information center ay matutulungan ang bayan na makamit ang 100-porsiyentong drug-cleared status ng laha nt 21 barangay nito.
“At present, the percentage of drug-cleared barangays in the town is at 90 percent. Kaya may Balay
Silangan kasi may mga affected barangays pa at need i-enroll ang street-level pushers,” aniya. “The local government of San Quintin promised to enroll the surrenderers and that they will provide the needed intervention for them,” dagdag niya. Sinabi ni Camacho na ang mga sumuko ay mananatili sa Balay Silangan sa loob ng isang buwan para sa isang in-house program at ang tuloy-tuloy na
pag-monitor sa labas ng center ay isasagawa sa loob ng dalawa pang buwan bago sila magtapos
mula sa programa.
Kasama sa programa ang isang-buwan na sapilitang paninirahan sa center na makikibahagi sa mga aktibidad sa edukasyon, kalusugan, psychosocial at physical. Ang natitirang dalawang buwan ay
gagamitin sa livelihood o employment education phase ng programa. Ang Balay Silangan ay isang reuirement para sa bawat local government unit (LGU) sa bansa upang makamit ang isang drug-cleared status. Ang iba pang pasilidad ng Balay Silangan ay nag-ooperate sa San Carlos City at mga bayan ng Sison, Basista, Asingan, Umingan, San Fabian, Burgos, Balungao at Manaoag.
Sinabi ni Camacho na hinihintay lamang nila ang pormal na inagurasyon ng pasilidad sa Dagupan City at sa bayan ng San Jacinto. Sa oras na mapasinayaan ang dalawa, ang bilang ng mga pasilidad ng Balay Silangan sa probinsiya ay aakyat sa 12. Sinabi niya na ang mga nahihirapan na mga LGU na magtayo ng sarili nilang Balay Silangan ay maaaring pumasok sa isang memorandum of
agreement sa iba pang mga LGU upang tanggapin ang kanilang mga sumusuko at umpisahan ang proseso ng drug-clearing sa kanilang mga lokalidad. Ang Pangasinan ay may 44 na mga bayan at apat na lungsod.
(HA-PNA Pang./PMCJr.-ABN
September 10, 2023
September 10, 2023