Matagal na ang Smuggled Vegetable sa Bansa panahon pa ng mga nagdaan Presidente ay mayroon na ito. Meron bang naka-puksa? Wala. Ngunit hindi ibig sabihin
nyan ay hindi natin kayang makipag-sabayan, makipagkompetensya at mapa-tigil ito.
Dito lamang sa Probinsya ng Benguet na kilala sa Highland Vegetables; the Chopsuey land na tawag ng ilan ay matagal ng nangyayari kahit ang mga Farmers kung tatanungin sila ay aminado sila dito. Kahit pa ang Lowlanders Vegetable o ang tawag ay the Land of Pinakbet.
Noong Disyembre 2021 nagkaroon ng Christmas Party ang mga ilang Traders, Disposers at Farmers. Dito napag-alaman natin ang sintemyento ng ilan natin
Kababayan “Ket inbabaga met nabayag dyay Lakay (Fongwan Sr. former Governor and Congressman of Benguet) idi pay lang nga mangrunruna kuma maging competitive ti nateng tayo nga Ka-Benguetan.
Tanu maawan garita nga Smuggled Vegetables” sabi ng mga ito. Sa papa-anong paraan mapupuksa ang Smuggled Vegetables? Maging competitive sa Packaging,
Processing at Marketing. Ang PPM na siyang misyon sana noong ipinatayo ang Benguet Agri-Pinoy Trading Center.
Sinabi naman kamakailan ng Caretaker ng Benguet na si Eric Go Yap na plano nitong magpatayo ng Trading Post sa Tatlong lugar sa Luzon: Manila, Laguna at Cavite at magbibigay sasakyan para pan-deliver ng naturang Gulay. Maganda ito, Tulong sa ating mga Farmers.
Pero ang smuggling ay hindi matatapos dito kaya naman humihiling ang mga Farmers na magkaroon ng PPM, Task Force, More Farm to Market Road, Cold Chain para sa Long Term Solution sa nasabing matagal ng problema.
Maliban pa sa Seminar at Training na isasagawa kung sakaling maisakatuparan ang programa.
March 27, 2022